✓Chapter 125

54 3 0
                                        

Kenny

     "Excuse me."

Biglaan nagpaalam si Mason samin habang nasa tenga na ang hawak nitong cellphone. Kahit punong-puno man ako ng pagtataka. Tumango lang din saka pinanuod siyang naglalakad papalabas ng hall.

"Sinong kausap nang isang 'yun?" Punong pagtataka kong tanong sa sarili.

"It's Mau. Sino pa nga ba?" walang kaemosyon na sagot ni Vee sa'kin.

"Mau? Maureen? P---"

"Who else it would be?"

"Aba! Baka naman may ibang Maureen pa sa buhay ni Mason noh, hindi mo lang alam."

"I'm sorry, Bakla. Kahit na hindi man kami ganun nagkakasundo si Ca--Evans. Mas kilala ko siya. At alam ko din na nag-iisang Maureen Blythe XAVIER lang ang nabubuhay sa mundong ito. Sa pagkakataon na meron man may nabubuhay na isa pang Xavier... paniguradong hindi isang kapatid--- Oh kahit sino man?"

Halos dumikit ako kina Axel at Trinity ng sunod-sunod niyang sinabi iyon sa mismong mukha ko. Matatalim at nakakatakot pa ang dalawang mata niyang nakatitig sa'kin. Shoot! Pinigilan ko na nga di mawewe sa kinatatayuan dahil sa kaba ko sa kanya.

Putek! Pare-pareho kaming hindi makagalaw sa kinatatayuan habang naglalakihan ang mga matang nakatingin sa kanya. Iba talaga ang epekto ng isang Tomboy.

"Ahmm... Sir. Ma'am. Salads po. Baka gusto niyo po." Biglang singgit ng isang lalakeng server samin kaya dahan-dahan siya naming binalingan ng tingin.

"Oh! Let's eat!" Masiglang yaya niya.

What the?! Ang bilis magbago ng emosyon pagdating sa pagkain. Parang kani- kanina lang gustong gusto na niya kaming kainin na buhay pero ng suminggit yung pagkain sumigla bigla.

Agad itong lumapit sa harap ng mga pagkain para pumili. Inaangat ko silang dalawa ng tingin at sunod -sunod ang pag-iling iling nila ng ulo. Sabay din nilang tinitap ang balikat ko bago sinundan si Vee.

H-ha? Ano ang ibig sabihin nun? Ano ang ginawa ko? Bakit parang ako yung dehado o may mali? Teka! Saan yung hustisya ko?

"Everhart! Wexler! Come on!" Nakalahad pa ang parehong kamay sa magkabilang gilid at parang pagod na napabuntong hininga.

"Dalian mo na diyan. Pumunta ka na dito o baka gusto mong maubusan ng pagkain. Bahala ka diyan. Walang sharing. Kahit alam naming Sharing is Caring. Pero pagdating sa'yo. Huwag na."

"Aba! Napakadamot mo naman, Axel!"

"Kung madamot ako, eh di sana wala kang hinahabol na babae ngayon." 0_0?!

"Lah! Teka! Teka! Huwag mong sabihin totoong may nararamdaman ka nga para sa Tomboy ko?"

"Frost, bunganga mo." Saway ni Trinity.

"Sandali lang. May tinatanong ako kay Everhart e."

"Hihinaan mo o isusubo ko lahat ng BBQ Ribs na'to sa bunganga mo." Banta niya.

Mabilis pa sa isang segundong tinaas ko ang dalawang kamay sa magkabilang gilid para sumuko at hinila si Axel papunta sa harapan ko.

"Huy! Ano ba, Frost! Umayos ka!" Reklamo niya ng siya yung ginawa kong panaga sa kamatayan kong si Wexler.

Assassination Incorporated | SEASON 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon