✓Chapter124

51 4 0
                                        

Trinity

     Mabilis na nagsitayuan kaming lahat ng biglang pumasok ang organizer ng party niya at sinabing magsisimula na daw.

Hawak na hawak ang kamay ko habang parehong naglalakad sa likod ng mga pinsan niya. Kinakabahan at naeexcite na siya ngunit natatakot din sa kung ano ang pwedeng mangyari.

"Cous, mauuna na kami sa inyo." paalam ng mga pinsan niya.

Tumango lang ito saka pareho kaming huminto sa paglalakad ng marating ang pinto ng Hall. Nakita kong nagmamadaling pumasok ang mga pinsan niya sa loob habang saglit na napaiwan si Tita samin.

"Handa na ba kayong dalawa? Ba't parang kinakabahan kayo diyan?" Biro niya.

"No, Mom/ I'm good, Mrs. Vargas." Sabay naming wika.

"HAHA! It's almost 10 years, Trinity. You can call me 'Tita" or maybe sooner 'Mommy' na rin."

"M-Mrs. Vargas?"

"Don't, worry, Trinity. Hindi pa naman ako nagmamadali at di rin kita pipilitin."

Agad na nakahinga ako ng maluwag sa kanya at bahagyang ngumiti. Ngunit ganun na lang din ang pagtataka ko ng bigla niya kaming tinalikuran pero nanatiling nakalingon ang ulo.

"Mom?"

"I won't risk Trinity too, my dear daughter. The time wasn't right for everything but you have the power to fight for it." 0_0?

"Di kita maiintindihan, Mom? Ano ba ang pinagsasabi niyo?"

"Be ready for your entrance. The night has began. Happy birthday again, Chrizzy Raine Vargas." Huling sinabi niya.

Ang buong akala naming papasok siya sa loob ng Hall ay hindi pala. Lumiko ito sa kabilang bahai ng hallway at dire- diresto lang sa paglalakad. Tatawagin pa sana siya ni Chrizzy ng mapagtantong napakalayo na nito.

"Is she's okay?" nag-alalang tanong ko.

"I don't know. But maybe she will come back later. Kilala ko siya baka may gagawin lang."

Mayamaya naririnig na namin ang emcee sa loob na nagsasalita. Nagwi-welcoming at greetings na ito. Kaya mabilis na umayos kaming dalawa sa pagkakatayo dahil paniguradong susunod na yung introduction niya sa pagpasok naming dalawa.

"Alam mo bang..."

Dahan-dahan ko siyang binalingan ng tingin habang nanatiling nakatingin lang ito sa harap.

"Wala akong alam." biro ko.

Natawa siya ng mahina sa sinagot ko at maingat na inaangat din ako ng tingin. Sa puntong iyon sumilay na naman ang masasayang emosyon sa mukha niya.

"This is my most happiest and bestest birthday celebration ever."

"Why?"

"Because..."

Bumitaw siya sa pagkakapit sa braso ko at agad akong hinarap. Napatingin ako sa kamay niyang nakalapat sa dibdib ko. Maya maya pa ay hinaplos niya ang suot kong necktie.

"Baby?"

"I love seeing you wearing it. It's really suits you." Pang iba niya ng usapan.

"Please don't change the topic." Atat kong paki-usap sa kanya.

Bahagyang inayos niya ulit ang necktie kong maayos na naman kanina, pati na rin ang suot kong suit at collar ng puti kong polo.

Assassination Incorporated | SEASON 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon