Trinity
"Tsk! Bakit kailangan pa talaga nilang lumayo sa atin? Parang kanina lang ang sayang-saya pa natin tapos." reklamo ulit ni Kenny habang nakatingin sa lamesa nila Vee.
Gusto ko siyang pansinin pero ng maalala kung ano ang nangyari kagabi. Tumahimik na lang ako at sinubo ang huling kutsara ng kanin. Pero bahagya akong napaangat ng tingin sa kanya ng maramdaman ang pagtitig niya.
"May nangyari bang problema sa inyo?"
Halos naramdaman ko ang pagtalon ng puso ko sa kaba ng tanungin niya iyon. Palihim na kinagat ko ang pang ibabang labi habang dahan-dahan na inalis ang paningin sa kanila at sabay abot ng inumin.
"Trinity?" rinig kong pagtawag niya ulit ngunit di ako nag-abalang linungin ito. "Nagkita ba kayong dalawa kagabi?"
Hindi ko inaasahan ang tanong niyang ganun kaya muling napabaling ang paningin ko sa kanya. Kalmado pero pintado naman sa mukha niyang seryoso ito sa tanong niya. Sa ilang taon na kaming magkakaibigan at ngayon ko na lang ulit nakita ang emosyon ito sa kanya. Masyado siyang masayahin at madalang lang sa ganitong klaseng usapan.
"Why does it concerns you so well?" Walang kaemosyon-emosyon kong anas.
Malalim na malalim siyang napahugot ng hininga sabay suklay ng buhok gamit ng mga darili niya at.. "Trin, kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa pwede bang huwag kayong magdamay ng iba? Kung meron kayong di nagkakaintindihan pwede naman na kayo lang yung maeepektuhan, hindi yung pare-pareho tayong mawawalan."
"Teka! Sino ba ang pinag-uusapan natin dito? Si Chrizzy ba?"
"Paano makakapasok si Bunso dito. Wala naman kayo pinag-aawayan. Pero baka kay Mau, oo." Mabilis pa sa alas kwartong napasmirk ako sa kanya at nilaro-laro ang hawak na kutsara.
"Nagpapatawa ka, Frost? Kasi tawang-tawa ako." Parang natatawa ko ngang wika.
"Mukha ba akong nagpapatawa? Seryoso ako, Trin. Ba't ka ba nagkakaganyan?"
"Gusto mo malaman kung bakit?" Hamon ko at pinagpalit-palit ang paningin sa kanilang dalawa ni Axel. "Dahil isang basura at dumi lang naman ang nakikita niyong kag*g*han na namamagitan saming dalawa."
Pare-pareho silang nanahimik dalawa habang di na mapinta ang mukhang nakatitig sakin. Dahilan para hindi ko mapigilang tumawa ng sobrang lakas. At kahit na tinawanan ko na sila hindi pa rin sila bumabalik sa katinuan ng mga 'to. Kaya napailang-ilang na naman ako.
"T-Trin..." Nauutal nilang anas. "S-seryoso ka ba?"
"What? Ang akala ko ba seryoso 'tong pinag-uusapan natin. Parang kani-kanina lang pinipilit niyo kong maging seryoso tapos ngayon..." Di ko na lang tinapos ang dapat sasabihin baka pag-isipan na naman nilang di ako seryoso.
"G*g* ka ba o naging Fboy ka na?" Suspectedly Axel asked me.
"Pressy? Alam mo ba yung pinagsasabi mo ha? Damn! Hindi ko inaasahan na masasabi mo ang salita na 'yun. Ang sakit. Nakakainsulto. Nakakahiya. Kung alam mo lang sa parte niya kapag narinig niya yung mga sinabi mo." Sunod-sunod namang reaksyon ni Kenny.
![](https://img.wattpad.com/cover/232201702-288-k266260.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...