Trinity
Maaga akong nagising dahil maraming akong ihahanda ngayong araw. Ni hindi pa tumunog ang alarm kong alas-singko ng umaga ay gising na ako. Pagkatapos kong maghilamos at mag-toothbrush. Agad akong bumaba ng hagdan para mag-agahan.
Pagbaba ko walang katao-tao ang buong bahay maliban sa mga guwardiya ni Dad na nasa labas. Tinungo ko ang daan papasok sa kusina saka naghanap ng pwedeng kakainin. Binuksan ko ang cabinet at kinuha ang sariling mug. Sunod na kinuha ko ang tinapay na nasa kabilang cabinet, saka kinuha ang jam at gatas na nasa loob ng ref. Agad akong gumawa ng sariling kape saka nilagyan ng jam ang tinapay ko. Nang matapos lumabas ako ng kusina saka lumabas sa likod ng bahay,
Nang buksan ko ang double door na pintuan papalabas. Agad na sinalubong ako ng napakalamig na hangin. Kitang-kita ko din ang city lights ng Quezon City. Bumaba ako sa hagdan at tumungo sa covered seating area ng bahay, kung saan katabi din nito ang pool.
Nagpalipas ako ng mga ilang minuto doon hanggang sa naubos ang agahan ko. Ngunit nanatili pa rin akong nakaupo at minamasdan ang kalangitan na unting-unti ng sumisikat ang araw. Sobrang mapayapa iyon at napakalamig pero ito ang pinakamagandang umaga na sumalubong sa'kin.
Bumuntong hininga pa muna ako bago tuluyang tumayo habang bitbit na bitbit ang maliit na plato at mug sa kaliwang kamay. Muli akong naglakad papasok sa loob ng bahay para isauli iyon sa kusina.
"Magandang umaga po sa inyo, Sir Trin." bati nung kasambahay.
Ngumiti at tinaguan ko siya. "Good morning, I'm sorry at nagulo ko ang buong kusina."
"Naku po. Ayos lang. Sana nga po ginising niyo po kami para ihanda ka ng agahan niyo po."
"No! No! It's okay." Pailing-iling kong wika at lumapit sa lababa para ilagay ang plato't mug. Huhugasan ko na sana iyon ng bigla niya akong nilapitan saka kinuha mula sa kamay ko ang sponge.
"Ako na po ang bahala po diyan."
"Salamat." tangging nasabi ko at lumabas.
Muli akong umakyat sa taas para makapaghanda na ngayong araw.
Inayos ko pa muna ang mga gamit na dadalhin bago pumasok sa banyo at makaligo na. Mabilis lang din akong nagbihis saka lumabas na ng kwarto. Tamang-tama paglabas ko ng silid. Nakasalubong ko si Dad na mukhang kakagising lang nito.
"Good morning, Dad." bati ko sa kanya habang nagmamadali.
"When will you get home later?"
Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan saka lumingon sa kanya. "Dad, it's SISFU's Anniversary. I'll be home late, and you are required to be there too."
"I know. But I need you to come home before the party."
"W-why?"
Huminga siya ng malalim saka nilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa nito.
"Maddison will be here later."
"Maddison? The dress maker?"
"Yes! And she finished making your clothes for the party. So, that's why I asked you to be home early as much as possible. Klaud will be here too. He's going to help you prepare for the party."
"It's not my birthday, Dad. Why it has to be---"
"Because I will be there. And I want everything they see to us, nothing but elegant."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...
