Trinity
Parang tinatamad pa akong bumangon kahit na pinagsabihan na ako ni Dad kanina. Kakauwi lang namin nung nakaraang araw at ngayon may pinaghahandaang celebration na naman. May gaganapin na bachelor's party mamayang gabi dito mismo sa bahay. Ang inaakala kong hindi ako sasama o mag attend ng party ay isang baliktaran, dahil kabilang ako sa gaganapin mamaya. Ito pala ang inaabalang ni Dad habang nasa Batangas kami. Minsan nagtataka ako kung bakit palagi siyang natatagalan sa telephono. Palagi nga siyang ganyan pero hindi sa puntong buong magdamag siyang nag-uusap doon sa tawag. Sa pagkakailala ko sa sariling tatay ay mas pipiliin ka niyang makausap ng harapan. Hindi yung dadaanin mo siya sa telephono.
Mabigat na bumuntong hininga ako ng magsawa sa pagkatitig sa kisame ng kwarto at tumagilid ng higa. Sinalubong din naman kaagad ako ng isa ko pang unan kaya niyakap ko ito.
Sa tingin ko mag alas sais na ng umaga dahil unting-unti na nagliliwanag sa labas. Napakabilis lang talaga ng oras ngayon. Ni kani-kanina lang bumabyahe pa kami papauwi dito at kung ano-ano pang ginagawa tapos isang tulog mo lang panibagong araw na naman.
Bahagyang napapikit ako ng parang gusto kong matulog ulit. Ngunit kasabay ng pagpikit ko iyon din ang pagtunog ng cellphone ko.
Inabot ko iyon mula sa bedside table saka tinignan kung sino ang nagmessage sa'kin. At nang makitang galing ang mensahe mula kay Axel ay agad kong binasa iyon.
Magtataka pa sana ako sa sinabi niyang attend din sila sa Bachelor's Party, nang maalalang malapit na kaibigan din pala namin ang pamilya nila. Halos mula nung bata pa kami ay magkakasama na kaming apat. Sigurado nandito rin mamaya sina Kenny at Chrizzy.
Binasag ko ulit ang cellphone sa lamesa saka dumapa sa pagkakahiga. Kaagad akong pumikit at pinilit ang sariling makatulog.
"I'm sorry..." kalmadong anas niya.
Punong-puno ako ng magtatakang nakatingin sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko. Hindi ko mawari kung sino ang taong ito dahil sa dilim ng paligid. Ngunit parang ang pamilyar ng boses nito. Yung tipong kilalang-kilala ko ito at nakikiliti sa magaan nitong tinig na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam.
Mayamaya pa ay unting-unti na din lumiwanag at ganun na lang ang pagtibok ng puso ko ng sobrang bilis ng mapagtanto kung sino iyon.
"S-Shishiu?"
"I told you. It wasn't for you... for us." aniya.
Kumunot ang noo ko. "A-ano ang pinagsasabi mo?"
"I think you are right. Maybe I should go. I shouldn't came to your world."
Di ako nakapagsalita habang it kalmado lang nakatingin sa'kin. Subalit bigla ako napahakbang ng isang hakbang papalapit sa kanya ng umatras ito.
"W-where are you going?" natatakot kong wika.
"Away from you..."
"Shishiu..."
Muli siyang umatras at halos malalaki ang mga hakbang ko para habulin siya. Pero ganu naman ang pagtataka ko ng parang hindi ako maalis sa kinatatayuan. Natataranta akong tinignan si Shishiu na ngayon ay nakatalikod na at unting-unti naglalakad papalayo.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...
