✓Chapter 110

48 4 0
                                    

Kenny

"Saan ang punta ng lalake na 'yun?" taka kong tanong ng makalabas si Trinity.

"Wala naman siyang sinabi. Kilala mo na ang isang 'yan. Hayaan mo na." Tugon ni Axel habang nakaharap sa laptop. Wala talagang ka care-care ang lalake na'to. Buti na lang sweet ako. "Ano ang tinitingin mo diyan?"

"Ang panget mo pala noh?"

Di pa umabot ng isang segundo may lumipad nang eraser sa ere papunta sa'kin kaya agad akong umiwas. Aba! Baka masira yung gwapo kong mukha. Kawawa naman si Tomboy kapag panget na yung magiging asawa niya.

Binaling ko ang paningin sa babaeng nakaupo na mag-isa sa meeting table at may kung anong sinusulat ito sa mga nakakalat na papel sa harap niya. Napatingin ako sa mga gawain na nasa harap at malapit naman din akong matapos.

Certificate lang naman 'to. Sino pa ba yung hindi ko nailagay na pangalan dito?

Mabilis pa ko kay the flash na ini-encode ang huling pangalan na nasa listahan ko papunta sa certificate na ginagawa. Agad kong sinisave yung file para siguradong walang gumalaw sa layout nang iprint ko na ito.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang abala lang din naman itong nagsusulat. Pinigilan kong tumawa at baka mabuking ako sa gagawin. Kanina pa kasi 'tong walang imik. Tapos may lakas pang isnob kami kanina nung nandito pa si Trinity. Porket may something wala din kaming silbi sa buhay nila?!

"Bakla, anong kag*g*han ang ginagawa mo?"

Ai! Anak ni Tuklaw!

Nanigas ako sa kinatatayuan ng biglang nilingon ako ni Chrizzy. Gugulatin ko na sana siya pero bwisit panira! Binuking ako ni Everhart!

"Subukan mo lang talagang gulatin ako. Ipapasulat ko 'tong isang katerbang dokumento sa'yo. Siguraduhin mo lang maganda ang handwriting mo!"

"H-ha?"

"Wag ako ngayon, Kenny. Pang may isang pagkakamali ko lang dito..."

"Ito naman hindi na mabiro. Nilalambing lang e." Suyo ko at hinawakan ang magkabilang braso niya.

Binalingan ko ng tingin si Axel saka siya sinamaan ng tingin. Pabulong na pinaggalitan ko siya at di naman ito ng papatalo. G*g*! Tinawanan pa ko!

"Layuan mo nga ako!" Sabay tapi niya ng kamay ko.

"Bakit? Ayaw ko nga!" Umakto akong nagtatampong umupo sa tabi niya at ...

"Huwag kang magpout! Di bagay sa'yo!" Napangisi ako sa sinabi niya. Pero magsasalita na sana ako ng hindi niya ako hinayaan."At mas lalong-lalo nang hindi ka cute... di rin kagwapo-gwapo, hindi din katamtaman o may sumubra."

"Aray! Parang pinapamukhang mong wala akong mukhang ipagyayabang ha?!"

"Meron naman... yung mukha mong nasa pwet."

"Ai! G*g*!"

Muli kong nilingon si Axel ng marinig ang malakas niyang halakhak.

"Gusto mo bang mabalian ng buto?!" Pagbabanta ko.

Assassination Incorporated | SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon