✓Chapter 136

15 1 0
                                    

Trinity

      Kanina pa ako naghihintay sa kung ano na naman ang sasabihin niya. Marami akong ideya sa pwedeng pag-usapan namin. Ngunit bakas sa kanyang reaksyon sa mukha na higit pa sa iniisip ko ang gusto nitong ipaalam sa akin.

Lumipas ulit ng mga ilang segundo pero Hindi pa rin siya nagsasalita. Mahina akong bumuntong hininga saka umayos sa pagkakatayo.

"Kung Wala ka din naman sasabihing importante. Kakailanganin ko ng pumasok sa lo---"

"Trin, I'm sorry..." pang-uuna niya kaya hindi ko nagawang tapusin ang dapat kong sasabihin.

Di agad ako nakapagsalita dahil sa pagkakabigla. Masasabi kong hindi ito ang unang beses na humingi siya ng pasensya. Ngunit parang may kakaiba sa pagbigkas niya ng dalawang salitang 'yun.

Napasmirk ako. "Humihingi ka ba ng pasensya para kay Chrizzy?"

"N-no---"

"If that so. I'm not interested---"

"Hindi ako humihingi ng pasensya sa kanya dahil hindi na kailangan." Agad na kumunot ang noo ko saka inilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon. "Paniniwala ka man o sa hindi. Matagal na kaming nagkausap dalawa. Lalong-lalo na nung mga araw na hindi mo alam."

"A-ano? Pinuntahan mo siya?"

"Yes!" direktang sagot niya.

"Then, why she didn't---"

"Wala na akong alam sa kung ano ang nasa isip niya. Ngunit pinapaalam kong malinis na ang konsensya ko sa kanya."

"Paano ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo o talaga bang nagsasalita ka ng totoo?" pagdadalawang-isip ko.

Agad na bumagsak ang dalawang balikat niya. Bahagyang itinabi pa niya ang ibang hibla ng buhok nito papunta sa likod ng tenga.

"Trin, ano ba ang nais mong gawin ko para matanggap o paniwalaan mo ako?"

"Why are you asking me?"

"Because that's what you want."

"No! That's not what I want from you---" Bigla siyang natiglan sa pagsasalita ng napagtanto niyang napalakas ang boses nito. Huminga ito ng malalim saka muli akong tinitigan. "I'm sorry. I raise my voice. But I was just trying to apologies. Not for Chrizzy anymore..."

"I hope you're telling the truth."

"Sige. Ayaw ko na lang ipilit ang bagay na mahirap naman baguhin para sa'yo. Subalit, sa ngayon. Ang paghingi ko ng pasensya kanina ay para iyon sa'yo." Napahakbang pa siya ng isang hakbang papalapit sa'kin. "Naiintindihan ko. Alam kong masama at mali. Siguro nga naging inabuso ko ang kung ano man ang koneksyon o relasyon na meron tayo. Hindi magjowa o magkaibigan, kundi bilang pinsan. Ilang buwan na din ang nagdaan nung huli tayong nag-usap sa penthouse. At nakapag-isip na ako sa mga maling nararamdaman ko sa'yo. Tama lang na may binitawan kang masasakit na salita dahil karapatdapat lang din naman iyon sa'kin. Sino ba naman ang taong magkakagusto sa sariling pinsan?"

Assassination Incorporated | SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon