✓Chapter 114

78 5 0
                                        

Maureen

     Mukhang hindi pa siya nagising sa boses ko at nanatiling nakatitig pa rin ito sa labas. Di ako tanga para magmukhang tanga katulad niya at lumabas na ng kotse.

Bahagyang napadaig pa ako ng ma aksidenteng tinamaan ang sugat ko sa kamay. Pag-angat ko ng tingin sa harap ng bagay. Inaasahan ko na ang dalawang taong seryosong naghihintay sakin.

"Trinity?" Punong-puno na pagkagulat at pagtatakang wika ni Vee sa pangalan ng lalakeng kasama ko.

"H-hey..."

Parehong nagkatitigan silang dalawa ni Mason at Vee saka muling binaling ang paningin samin.

"Do we have a problem?" Inosenteng anas ko sa kanila ngunit hindi nila ako pinansin.

"What are you doing here? At bakit magkasama kayong dalawa ni Blythe?" Malamig na pagkabigkas ni Mason sa kanya.

Naramdaman ko ang paglingon ni Palmetto sakin saka muling tinignan si Mason. It look weird and necessary, but do they need to put their both hands inside their pockets? What's wrong with this people?

Wala silang ginawa dalawa pagkalipas ng ilang segundo. Nanatiling nakatitig lang ang mga ito sa isa't isa at parang kung may anong pinag labalaban sa tingin.

Tinignan ko si Vee na nakakunot noo nang pinagpalit-palit ang paningin sa kanilang dalawa. Are they nuts?! Tsk!

Hindi na ako nag-abalang hintayin na maging estatwa ang isa sa kanila at nagsimula na akong humakbang papasok sa bahay. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng biglang pinigilan na nila akong makapasok.

"Saan ka pupunta ha? Tatakas ka na naman ba?" Kung marunong lang akong paikutin 'tong eyeballs ko ginawa ko na sa paraan ng pagsesermon ni Vee pa naman."You can't get in... yet! Mag-uusap muna tayo dito."

Dahan-dahan kong binaling ang paningin sa kanya kung seryoso ba talaga ito. Ngunit hindi na namin nagawang isalubong ang mga tingin nang pinaggalitan niya din ang dalawang lalake na hindi pa rin nagsitigil.

"And for the two of you... pwede bang tigilan niyo na ang pagkakatitig sa isa't isa? Kung ano man ang namamagitan sa inyo. Magsihalikan na lang kayo para tapos na agad!"

"F*ck you, Vee!" Pareho nilang mura sa mismong mukha ng Tomboy.

"F*ck! F*ck! F*ck niyo mukha niyo! Pumasok nga kayo muna sa loob! Mga sagabal! Mag-uusap kaming dalawa ni Mau. Hala! Sige! Pasok!" Parang nanay niyang utos sa mga anak nito.

Ngunit walang ginawa ang dalawang lalake at tinitigan lang siya nito. Mukhang napansin niya iyon at bigla na namang...

"I. Said. Put your damn butt inside that freaking house! Now!"

Mabilis pa sa alas kwartong nagsipasukan silang dalawa sa loob. Gustong ko pang tumawa ng malakas ng makita kung gaano kabilis yung lakad-takbo ng dalawang lalake na 'yun sa takot sa kanya. Narinig ko pa ang komento nilang dalawa na parehong natakot sa pagkakasigaw ni Vee sa huling linya niya.

"Aish! Hihintayin pa talaga sigawan sila. Mga bata nga naman." Rinig kong wika niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Tinitingin mo diyan!"

Di pa umabot ng isang segundo tinaas ko na ang dalawang kamay sa ere para ipaalam na wala akong laban sa kanya.

"Tsk! Ba't ba ang hilig niyong sumaway?! Nakakagili na kayo! Hala! Sige! Lakad!"

Assassination Incorporated | SEASON 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon