Trinity
"B-baby...." nanginginig niyang wika.
Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kanya. Parang nababaliw na ako sa kakaibang padron ng paghinga ko. Sumasakit na din ang mga palad dahil sa mahigpit kong pagkakuom ng kamay. Ni kulang ring magdudurugo ang gilagid ko sa pagtatalas ng aking ngipin.
Sinubukan niyang lumapit at hawakan ang mga kamay ko ngunit mabilis akong umiwas. Ayaw kong magpapadala sa kahit anong bagay na ibabaliwala ko na naman ang lahat ng bagay na tinatago niya.
"T-trin, hindi ganun ang iniisip mo. Mali ang pagkakaintindi mo. Hayaan mo akong magpaliwanag." takot na takot niyang anas.
"Anong ibig sabihin ng mga sinabi mo? Anong kasinungalingan ang ginawa mo na hindi ko alam?" matigas kong wika at muling lumayo sa kanya. Naglakad ako papalayo mula sa kama saka bahagyang huminga ng malalim bago siya ulit hinarap. "Ang akala ko ba walang may magtatago ng kahit anong sekreto sa pagitan natin? Ginawa ko naman lahat ng mga sinabi mo dahil iyon ang magpapasaya at ikakatahimik ng galit mo."
"Trin, masama bang pagselos para sa taong mahal mo?!"
Umiling ako. "Wala akong sinabing masama magselos pero tama bang magsinungaling ka?."
"Oo! Alam ko iyon ngunit ginawa ko lang naman iyon para sa'yo."
"Para sa'kin?"
"Para sa atin...."
Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Saang bagay o aling bagay ang ginawa niya para ikabuti ng magiging relasyon namin. Dahil kung tama iyon sana hindi umabot sa ganito.
Muli siyang lumapit at tuluyang hinawakan ang kamay ko. Tumitig lang ang mga mata ko sa mga mata rin nito dahil ayaw ko munang magsalita. Natatakot ako sa kung ano ang pwede kong mabitawan at baka masaktan ko siya ng sobrang-sobra.
"Ba't ganyan mo ako titigan?"
Kinagat ko ang pang ibabang labi. "Bakit? Ano ba ang nararapat na magiging reaksyon ko?"
"Baby, naman! Kung makapagsalita ka parang wala tayong pinagsamahan. Isa ba akong laruan sa tingin mo? Dahil sa pakiramdam ko parang wala na akong silbi at halaga sa'yo ngayon." dire-diresto niyang wika habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. "Minahal kita higit pa sa sarili ko at kusang tinanggap rin kita ng buong-buo mula sa kakaiba mong pagkatao."
"Chrizzy, hindi iyon ang pinag-uusapan natin dito. Ngunit bakit parang pinapahiwatig mong hindi sapat o kayang pantayan ang ginawa kong pagmamahal kaysa sa ginawa mong pagtanggap at pagmamahal sa'kin."
"No! No! There is nothing like that. Ang gusto ko lang naman ipaabot na kahit sobrang nahirapan na ako. Pinili kong paniwalaan ka sa lahat ng bagay."
"Di ba ako naniwala sa mga bagay-bagay na ginagawa mo?"
"Trin, ano ba?!" Sabay bitaw niya sa kamay ko.
Humakbang siya ng mga ilang espasyo mula sa'kin habang napasabunot ng buhok.
"Hindi mo kasi alam o nararamdaman ang hapdi at kirot na nararanasan ko mula sa mga bagay na ginagawa mong nagdudulot ng sakit para sa'kin."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...
