Trinity
Hindi ko alam kung anong oras ngunit napapansin kong unting-unti dumidilim na yung paligid. Kanina pa ako gising pero di ako bumaba. Nanatiling nakahiga pa rin ako sa kama habang naglalaro sa cellphone. Pero nang makaramdam ng kirot galing sa ulo ay agad akong tumigil at umupo saka isinandal ang sarili sa headboard ng kama.
Tumingin ako sa harap kung saan makikita ang balkonahe ng kwarto. Di masyado makikita ang dagat mula sa kwarto ko ngunit sapat lang iyon para ma mangha ako sa kung gaano ka-asul yung kulay ng tubig nandoon. Parang gusto ko tuloy maligo doon pero medyo malayo pa yung beach house namin mula sa dagat.
Napasuklay ako ng sariling buhok at dahan-dahan na tumayo mula sa kama. Lumabas ako sa sliding door papuntang balcony. Agad ko din pinagmasdan ang napakagandang tanawin ng Batangas. Ibang-iba talaga ang lugar na mula sa siyudad. Sobrang tahimik ng buong paligid at wala kang ibang mararamdaman kundi ang lamig ng dapoy ng hangin sa balat mo. Isa din sa pinakagusto ko sa parte ng kwarto ay kung saan maririnig mo ang agos ng tubig ng pool sa baba. Ang gaan nun sa pakiramdam. Lalong-lalo na kapag tatambay ka dito sa labas.
"Trinity..." bigla akong napatingin sa baba ng marinig ang boses ni Red.
Umayos ako sa pagkakatayo at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. "What?"
"Ahm? T-Tito wants you to go down. He asked if you could help Mom tonight as she prepares our dinner." Hindi pa ako kaagad nakasagot at nanatiling nakatingin sa kanya mula sa taas. "P-pero... kung hindi ka pa rin baba. H-Hindi kita pipilitin."
Lalakad na ito sana papaalis ng sumangayon ako sa kagustuhan ni Dad. Kitang-kita ko naman ang lihim niyang pagngiti bago ito pumasok ulit sa loob ng bahay.
Dismayado akong umiling-iling saka muling pumasok sa loob ng kwarto. Saglit na pinaligpit ko muna ang mga gamit sa loob ng closet at nagbihis na din ng mas komportableng damit. Pagkatapos kong mag-ayos, agad din akong bumaba.
Pagkababa nakita kong nakaupo lang sina Dad at Grandpa sa couch na nasa sala. Bumati ako sa kanilang dalawa at lalakad na sana papuntang kusina ng bigla akong napatingin sa labas. Nandoon pala silang dalawa ni Red at Reid sa labas ng iihaw. Mukhang napansin pa ako nung pinsan kong lalake pero agad akong nag-iwas ng tingin saka umalis. Naririnig ko pa ang pagtawag niya ngunit pagod akong makikipag-usap.
Lumapit na ako kay Tita Riley na abala sa pagluluto. At nang makita niya ako, agad niyang inabot ang mga kailanganin hiwain.
"Mukhang napasarap ang tulog mo ngayon ha?" nakangiting wika niya.
Umangat ang tingin ko sa kanya. "Akala niyo lang po 'yun."
"Sus! Ayaw pang aminin. Mahigit dalawang taon na din kaya kayong hindi bumabalik dito. Hindi mo pa namimiss ang lugar na'to?" Abala ako sa pagiihaw samantala abala naman siya sa harap ng stove, pero walang tigil yung pagbuka't sira ng labi niya. "Atsaka kung tutuusin. Ang bahay na'to pinapagawa ito ng Mommy mo para sa'yo."
"Po?" Huminto pa ako sa ginagawa.
"Ba't gulat na gulat ka dyan?"
Lumapit siya sa'kin at kinuha ang mga natapos kong hiwain.
"Ang akala ko ba property ito ni Dad?" taka kong tanong.
"Its their congeal property. Of course! Mag-asawa sila at kasal ang Mommy't Daddy mo. Ngunit ang pakay sa pagtayo ng bahay na'to ay para sa'yo."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold on." It's when you drea...