Krisana
"Tutulungan mo ba akong maggrocery o tinutulungan mo ang sarili sa i-go-grocery mo?" nakataas kilay kong anas sa Lolo namin.
Ngunit mukhang parang hindi niya ako naririnig. Ni 'di man lang siya lumingon sa'kin habang abala ito sa pagpili ng mga chips at tinatapon sa loob ng malaking cart. Huminto ako sa paglalakad saka pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. Hindi niya talaga ako napapansin dahil patuloy ito sa pagtulak ng cart at kumuha ng mga pagkain.
"Oh, ba't ka tumigil?" pang-asar ko ng tignan niya ako sa likod.
"Ba't nakatayo ka pa rin kasi diyan? Hindi mo ba ako tutulungan dito?" pangtataray niya.
Pinaikutan ko siya ng mata, "Kapal talaga ng pagmumukha mo eh noh?"
"Excuse me! Kahit matanda na ako. Wala pa ako masyadong kalyo sa katawan."
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." iritang-iritang sambit ko saka nilapitan siya. "Ano ba itong mga kinuha mo? Hindi ba sabi ko tulungan mo akong maggrocery---"
"Tinutulungan ka na nga eh." may kompyansang asik niya at isa-isa pinakita sa'kin ang mga tinapon niya sa loob ng cart. "Oh, kita mo ba? Masasarap ang mga ito. At may mga bagong chips din akong kinuha para titikman natin kung masarap ba ang maging lasa. Ngayon, sasabihin mo sa'kin na hindi kita tinutulungan? Aba! Kagabi pa lang sinabihan na ako ni Totoy tungkol dito. May ginawa na nga akong lista."
Halos mapakamot ako sa gilid ng ulo ng talagang pinakita pa niya sa'kin ang ginawa nitong listahan. Tuwang-tuwa niya pang inaabot kaya kinuha ko ang mahabang papel na dala niya.
"How did you even come up with this list?" takang-takang tanong ko.
"Sa google. Tinatamad na kasi akong pumunta dito kagabi para tignan kung ano-ano ang mga pagkain na gusto kong bilhin."
Bumagsak naman ang dalawang balikat ko. "W-what the---Hindi ganun ang paggrocer---"
"May punto ka, kasi lahat ng mga sinisearch ko kagabi. Parang hindi ko kayang sundin dahil sa mas marami pa akong nakikitang masarap at bago sa paningin ko." Aakmang tatalikuran na sana niya ako para kumuha ng mga chips ng hinila ko siya pabalik.
"Mag-oouting tayo sabi ni Jason at hindi para mag movie marathon. Aanhin natin ang mga chichirya na'to? Mai-ulam ba natin 'to sa kanin? Baka kidney failure ang aabutin natin dito."
"Huwag kang mag-alala. Kung sakaling sisira din naman ang kidney mo. Ako na mismo ang maghahanap ng donor at mago-opera para sa'yo." 'Di ko na pinigilan ang sarili at tuluyan siyang binatukan sa ulo. "Aray! Ansakit! Hindi ka ba naawa sa Lolo mo?"
"Mas maawa ako sa dalawang kidney ko."
Hindi ko na lang siya pinansin at sinimulang sinauli ang mga chichiryang kinuha niya. Aangal at pipigilan pa sana niya ako ng pinagsabihan ko.
Pagkatapos naming maibalik ang mga iyon. Sunod kaming pumunta sa mga frozen foods. Hindi naman ganun kumakain si Jason ng ganitong klaseng pagkain. Ngunit ito lang ang magiging stock namin na hindi mapapanis kaagad. Gusto ko rin sanang pumili ng mga gulay at prutas. Ngunit sa Isabela na lang daw kami bibili para mas preska. Pati na rin yung mga ibang karne at isda. Kaya nang makakuha na kami ng mga frozen foods. Kaagad akong nag tungo sa mga beverages. Halos mga alak ang pinili at kinuha ni Lolo Yugo doon. Ni ilang gatas at yogurt lang ang nakuha ko. Iba talaga kapag lasingero. At ang pang huling pinuntahan namin ay yung mga para sa banyo't ibang products sa katawan.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Ação| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...
