Trinity
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko at hinawakan ang gilid ng ulo dahil sa inis. Bahagya pa akong napapikit para kontrolin ang sarili. Ngunit ng marinig ulit ang pagtunog ng sariling cellphone ay muli akong napamulat. Parang pagod na pagod akong napatitig doon habang ito'y nakalapag sa ibabaw ng lamesa at nagvavibrate.
Ayaw kong sagutin. Hindi ko kakayaning sagutin ang mga tawag niya. Dahil ayaw ko siyang masaktan lalo. Kahit hindi man sigurado ngunit alam kong sinusubukan pa rin niyang ipaliwanag ang sarili sa lahat ng mga pangyayari. Subalit tama na ang mga impormasyon na narinig ko. Gugustuhin ko man malaman ang iba, ngunit natatakot ako na baka isang malaking kasinungalingan na naman ang matanggap ko. Unting-unti ko din siyang napapatawad pero kinakailangan ko munang dumistansya para mapatawad ang sarili.
Kung maaari ko man bilangin ang tawag niya sa isang araw ay hindi ko na maalala. Dahil sa bawat oras ay palaging tumutunog ang cellphone ko. Ayaw kong magpalit ng panibagong number. Titiisin ko ito at sana naman hindi ito aabot sa sariling ama.
Pabagsak akong sumandal sa sandalan ng kinauupuan saka muling napapikit. Tamang-tama din may narinig akong pagbukas ng pinto ng sariling opisina. Dahan-dahan akong dumilat at inikot ang swivel chair para harapin ang taong iyon. Kaagad akong napaayos ng pagkakaupo ng makitang si Dad ang pumasok.
"You're still here." anas niya.
Bumuntong hininga ako, "Y-yeah..."
"Wala ka bang klase ngayon? Hindi ka ba papasok?"
"I-I don't know." nauutal kong anas.
"Is that why you still wear your uniform?"
Tingnan ko naman ang sariling kasuotan at umiwas ng tingin. Sunod na narinig ko siyang humakbang papalapit sa'kin. Atsaka nito pinagtitignan ang mga papel na nasa ibabaw ng lamesa ko.
Ngayon lang din na'kin napansin ang formal nitong suot. Mukhang may pupuntahan na naman itong meeting sa kompanya namin. Subalit hindi ba dapat umalis na siya kaninang madaling araw? Bakit nandito pa siya?
"May meeting ka ba ngayon?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.
"Just some few investors. And I'll be probably going to spend the rest of my day at the office." Tumigil na siya sa pagtingin ng mga ginagawa ko saka nito binaling ang tingin sa'kin. "Why? Don't you want to attend any of your classes today?"
"I don't have the energy."
"Nakakapanibago naman para sa isang Wexler."
Kinuom ko ang mga kamay, "I-I am sorry to disappoint you---"
"I am not disappointed." Agad nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Alam kong kahit hindi ka na umattend sa klase mo. Naiisiguro ko namang sapat ang ibinigay kong maagang edukasyon sa'yo nung nasa high school ka palang. Kaya, hindi kita maiisisi kung nawawalan ka na nang ganang pumasok ngayon. Naiintindihan kong minsan nakakasawa ng pakinggan ang mga discussions na nagawa mo naman noong mapag-aralan."
"Minsan lang naman. Atsaka gusto ko pa rin silang makita araw-araw."
"Then why don't you go?"
"I-I can't." nauutal kong sambit dahil sa takot na baka malaman niya.
"Is there something wrong?"
Napaayos ako ng pagkakaupo at umiling, "It's nothing, Dad."
Minaliitan niya ako ng tingin, "Well, I am sensing something."
![](https://img.wattpad.com/cover/232201702-288-k266260.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Aksiyon| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...