✓Chapter 144

51 3 0
                                        

Trinity

Pagdating sa bahay agad nila akong pinagbuksan ng gate. Samantala ipinasok ko ang kotse at pinipark iyon sa garahe. Ginagabayan pa ako ng isang tauhan ni Dad na maipark ko ng maayos ang sasakyan. Tinanguan niya naman ako pagkatapos bilang pagbati. Pinatay ko naman ang makina ng sasakyan saka inayos ang mga gamit, subalit bigla akong natigilan.

Mahina akong nagpakawala ng malalim na hininga at sumandal sa upuan. Ang abala ng mga kasambahay at tauhan ni Dad ng tinanaw ko sila sa labas ng bintana. Mukhang may nagkaroong isang pagsalo-salo dito kanina dahil sa mga nililigpit nilang food servers.

Naipikit ko na lang ang mga mata ng makaramdam ng pagod sa pagmamaneho. Parang may nararamdaman rin akong pulsong pumipitik sa sentido. Bahagyang naihiga ko ng kaunti ang driver seat saka hinayaan ang sariling makapagpahinga ng kaunti sa loob ng sasakyan. Gugustuhin ko man lumabas at lumakad patungo sa sariiling silid ay hindi ko magawa dahil sa bigat ng katawan.

"Shishiu, I am sorry." malumanay kong anas.

Malungkot ko siyang nilingon na nakaupo sa passenger's seat ng sariling sasakyan. Ngunit nanatili itong nakatingin sa harap at hindi man lang akong inabalang tignan.

Napasulyap ako sa mga kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng binti nito. Masuyong inabot ko iyon at mahigpit na hinawakan. Inangatan ko siya ng tingin at ganun na lang ang tuwa ng puso ng sa wakas tumingin na rin sa mga mata ko.

"P-please, forgive me...."

Bigla siyang umiling, "Kung papatawarin kita ngayon, may tao na naman tayong masasaktan."

"Pero nasasaktan na rin kita."

"Huwag kang mag-alala. Dahil importante ang mga bagay na nararamdaman mo para sa'kin."

"Ba't ba palagi na lang tayong ganito? Alam kong nagkamali ako, Shishiu." Hindi ko na kayang pigilan ang sarili at nahawakan ang gilid ng mukha niya habang masuyo siyang tinitigan. "Please, hayaan mo akong makabawi sa'yo. Ngunit kinakailangan kitang bumalik na dito. Kailangan kita."

"No, you don't need me, Palmetto." blankong sambit niya.

"Ano ba ang dapat kong gawin para ipapatunayan kong totoo ang mga sinasabi ko?"

Subalit na sasagutin ang tinatanong ko ay nanatili itong tahimik at nakatitig sa'kin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Kaya naman bumaba ang tingin niya doon, ngunit ng mapaangat siya ulit ng tingin. Isang mahinang buntong hininga ang naging reaskyon niya saka maingat na pinakawalan ang sarili sa mga kamay ko.

"I cannot risk another life for this. I had to go..." aniya at mabilis na binuksan ang pinto.

Nawala ako sa sarili ng mga isang segundo bago napabalikwas. Ngunit bigla akong naging alerto at isinirado ang pintong binuksan niya. Agad siyang natigilan saka malamig akong binalingan ng tingin. Pero sa pagkakataon na iyon hindi ko na hinayaan ang sarili kong pigilan ang nararamdaman.

Mabilis ko siyang hinawakan sa batok saka siya hinila papalapit sa'kin. Agad na sinalubong ng labi niya ng mga labi ko. Naramdaman ko naman ang paninigas niya sa kinauupuan subalit hindi ko iyon pinansin. Gamit ng isa pang kamay hinawakan ko ang baba niya upang tulungan ang sarling mas maangkin ang mga malalambot nitong mga labi. Mayamaya narinig ko ang mahina niyang pag-ungol bago tuluyang tumugon sa mga halik ko.

Hindi ko napigilang mapangiti sa pagitan ng mga labi namun. Bago muling tumikim ng mas matamis at mas malaking subong halik. Subalit nailayo ko ang sarili ng bahagyang naramdaman ang pagtulak niya sa'kin.

Dahan-dahan na lang akong napamulat at ganun din ang pagkabigla ko ng makitang---

"C-Chrizzy?" sambit ko.

Assassination Incorporated | SEASON 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon