✓Chapter 132

27 4 0
                                        

Trinity

Dalawang araw na ang nakalipas mula noong SOS Celebration. Mabilis na lumipas ang mga araw na hindi na namin maalala kung paano ang aming mga araw. Siguro nga tama sila kung busy ka sa pagtutok para sa buhay mo para maging the best, nakalimutan mo ang bawat segundo ng buhay mo. Ngunit kung iisipin mo kung paano magiging mas mabuti ang iyong buhay nang kaunti, mahalaga ang bawat segundo. Gayunpaman, paano ko ibibigay ang mga segundong iyon kung sa tuwing nararamdaman kong nawawala ako sa sarili kong mundo dahil kahit ang sarili kong pag-iisip ay hindi ko makontrol.

Abala ang lahat sa closing ceremony at halos aliw na aliw sa naging closing program ng competition SOS. Kanina pa nagsisimula ang ceremony at wala akong ibang ginawa kundi maupo sa upuan ko. Mukhang sinisipag ngayon si Sir Jezphire kaya siya ang nag emcee sa buong seremonya. Ngunit hindi ko magawang makinig sa hindi namamalayang dahilan. Gusto ko nga dahil kailangan iyon. Lalong-lalo na dapat maging defending champion ang color namin bago kami grumaduate.

Mayamaya pa ay bigla akong napabalik sa reyalidad ng tumahimik ang buong paligid. Napatingin ako sa kanila at nakitang nakatingin ang mga ito sa harap. Sinundan ko ang mga tingin nila saka lang napagtantong sasabihin na pala ni Sir Jez kung sino ang color ang nanalo, dahil nakita ko na ang hawak nitong papel.

"Congratulations..." nakangiting wika niya habang sumisilip sa papel. "... Maroon Dragons!"

Agad na nag-ingayan ang team color namin at halos napapikit ako sa sobrang lakas nun. Ngunit sabay sa pagmulat ko ay iyon din ang pagbagsak ng mga confetti mula sa ibabaw ng gym.

"Trinity, get up from there." rinig kong tawag ni Axel.

Bigla akong lumingon sa kanya. "Why? I'm getting tired."

"Anak ni Kenny! Huwag kang killjoy! Tumayo ka na dyan."

"I said, I'm tired."

"For Pete's sake! You have to come with me, Trinity Flynn Wexler. We have to claim our trophy." Hindi pa umabot ng isang segundo nanlaki na ang mga mata ko saka napatingin sa stage.

Ganun naman kabilis ang pagtayo ko para sabayan si Everhart pababa ng hagdan. Pinagtawanan pa niya ako ng makalapit ako pero agad ko din naman siyang sinamaan ng tingin. Umiling-iling naman siya sa'kin saka inakbayan ako habang pareho kaming naglalakad patungo sa stage para kunin ang trophy namin.

Pagkaakyat namin agad naman na inabot ni Sir Jezphire sa amin iyon at nagkaroon lang ng kaunting pictorial.

"Wow! Defending Champion. Sineryoso mo talaga ang sinabi mo nung last year." pang-asar ni Sir Jezphire.

Narinig ko ang pagtawa ni Axel. "Ganun talaga kapag Wexler, Sir Jez. Masyadong mahalaga ang mga salitang binibitawan ng taong 'to."

"Mukhang hindi na bago iyon sa'kin, Mr. Everhart."

"Well! At least bago kami grumaduate binigyan namin muna ng isang malaking titulo ang Maroon Dragons, at sana magpatuloy ito."

"Let's see about that. I'm so proud of you." saka tinitap nito ang balikat namin.

"Thank you, Sir." sabay naming dalawa ni Axel.

Tinanguan niya kami bago ito tumalikod para ibigay sa amin ang gitna ng stage. Muling nagkaroon ng pictorial kasama ang team color at halos lahat masaya sa naging resulta. Marami kaming juniors sa grupo at parang nalulungkot ang mga ito dahil sa susunod na taon hindi na nila kami makakasama sa paglalaro. Ngunit kailangan nilang galingan katulad namin. Walang madali sa lahat ng competition ng SOS. Lalong-lalo na pinaghalo pa naman nila yung M.A.C, pero maswerte sila dahil walang may magaganap na ganun sa susunod na taon kaya panigurado madali ang lahat ng mga games.

Assassination Incorporated | SEASON 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon