Maureen
Matagal na kaming bumabyahe sa kalsada pero walang kahit anong salita ang lumabas sa mga bibig namin pagkatapos niyang sabihin iyon.
Napilitan akong isandal ang ulo sa katabing bintana, at inaliw ang sariling sa madilim na tanawin na makikita ko sa labas.
Sa pagkakataon na 'yun, iniisip ko kung ano ba ang maaaring isasagot ko mula sa sinabi niya. Ang sa akin lang, hindi naman ganun kasakit ang mga salitang binitawan ko sa kanya. Sinasabi ko lang kung ano ang totoo at kung ano ang dapat. Pero di ko akalain na ganun ang mararamdaman niya.
Walang akong ibang intensyon maliban sa sinabi ko sa kanya na ayaw kong masyado silang mapalapit sakin, dahil mas masakit ang pangalawang beses sa parehong pagkakamali.
Marahas na napapikit ako at palihim na kinagat ang pang-ibabang labi. Pero di pa umabot ng ilang minuto, bigla akong napamulat ng pumasok sa isip ko na mukhang ibang daan ang dinadaanan namin.
Shoot! Ang bobo! Di niya pala alam kung saan ang daan patungo sa bahay. How bobo, AI54?!
Dahan-dahan na binalingan ko siya ng tingin para ipaalam sana sa kanya tungkol sa bagay na pinoproblema ko ngayon, ngunit ng makita siyang sobrang seryoso at tahimik lang na nagdadrive. Nagdadalawang isip agad ako kung kakausapin ko ba siya o ano.
Where's your guts, 54? It's just Trinity! Just Trinity Flynn Wexler! Just a WEXLER! The only Trinity...
"What do you need?"
Agad na napatalon sa gulat ang puso ko ng biglang nangibabaw ang boses niya mula sa matahimik na pumapaligid kanina samin. Palihim na humugot at binuga ko ang sariling hininga ng makaramdam ng kakaibang kaba. How can I able to tell him in this situation?
Muling binalingan ko siya ng tingin at inipon ang mga natitirang lakas ng loob ko at tuluyan ng nagsalita.
"Nasa maling daan tayo papunta sa bahay." Sambit ko.
Sumagot siya ng hindi inaalis ang paningin sa daan.Napakaseryoso naman niya talaga ngayon?
"I know."
Hindi ko inaasahan ang seryoso at maikling sagot niya kaya natigilan ako at hindi kaagad nakasagot.
Muli na sana akong magsasalita ng bigla niya akong unahan. "Dadaan lang muna tayo saglit sa bahay namin." Sambit niya ulit kaya sandaling nanatili ang mata ko sa kaniya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?" Nagtatakang tanong ko dahil pwede naman niyang sabihin sakin yun!
Sandali niya akong pinasadahan ng tingin at muling ibinalik sa kalsada ang mga mata bago siya nagsalita.
"Sabihin ko man o hindi, alam kong papayag ka pa rin. Kaya bakit kailangan ko pang sabihin sayo?" Pangpipilosopo niya pa sa akin. "Besides, you have no rights and we don't have anything in between for you to know everything."
Inalis ko na lang ang tingin sa kaniya at umayos ako ng upo, Nakatuon na ang buong paningin sa labas dahil mukhang wala siya sa mood makipag usap sakin, ng biglang...
Hinugot ko ang cellphone na nasa loob ng bulsa ko. Agad kong binuksan at binasa ang mensaheng galing kay Mak'saneng.
From: Mak'saneng
We managed to escape. We had Zedd. Nandito siya sa HideOut ni Totoy.
To: Mak'saneng
Great. Just keep him. I'll meet him soon.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...
