CHAPTER 24

229 155 0
                                    

TWENTY-FOURTH

Nakatitig si XZ sa labas ng bintana ng kuwarto niya ngunit wala sa dinadapuan ng tingin niya ang atensyon niya. Kanina pa niya iniisip kung tama nga kaya ang sinasabi ng Mommy niya na bumalik na sila sa States upang maipagamot siya. Her condition seems like it’s getting worse just like what her mother told her but she’s still hesitant to leave. Her friends are here, her boyfriend is here, her life is here. She can’t just leave.


Natigil sa iniisip niya si XZ nang marinig niyang nagvi-vibrate ang telepono niyang nakapatong sa lamesa. Tiningnan niya ito at nakitang tumatawag si Nereo.


“Hello?”

“Hi, parang ang lalim ng iniisip mo, ah.” kaswal na saad ni Nereo mula sa kabilang linya kaya nagulat si XZ. Nakikita siya ngayon ni Nereo?


“Where are you?”

“Tumingin ka ulit sa bintana.”


Sumilip nga muli si XZ sa bintana at nakita si Nereo na nakasandal sa sasakyan nitong nakaparada ‘di kalayuan sa sasakyan ng kuya niyang hindi pa naipapasok sa loob ng gate.


“Are you crazy?!” pabulong na saad ni XZ ngunit tinawanan lang siya ni Nereo.

“Come on, let’s just eat.”

“You brought food?”

“Of course! I will never pick you up empty-handed.”


Natawa na lang si XZ at ibinaba na ang tawag. Nagsuot siya ng cardigan at saka tumakas pababa’t palabas ng bahay. Pagkapasok niya sa kotse ni Nereo ay pumasok na rin ito sa loob.


“Kumain ka ba nang maayos no’ng dinner?” tanong ni Nereo nang magsimula nang kumain si XZ ng fries.

“Bakit? Hindi mo ba ako papakainin ng snack kung hindi ako kumain ng maayos na dinner?” mapang-asar na sagot naman ni XZ kaya natatawang napailing na lang si Nereo.


“I’m just asking because I want to know.”


Tumangu-tango si XZ bilang sagot at susubuan sana si Nereo ng fries kaya binuksan na nito ang bibig nito ngunit biglang yumuko si XZ.


“Ang paasa naman.” reklamo ni Nereo nang hindi itinuloy ni XZ ang pagsubo ng fries sa kaniya.


“Kuya Val!” pabulong na sigaw ni XZ.

“Bakit ka bumubulong? Hindi ka naman niya maririnig.” natatawang saad ni Nereo at ibinaling na ang tingin sa harapan. Nakita niyang pumasok si Valentine Martinez sa kotse nito at ipinarada na ito sa loob ng gate ng bahay.


“Why are you driving?” gulat na tanong ni XZ nang magsimula ngang magmaneho si Nereo.

“Because we’re going somewhere.” kaswal na sagot ni Nereo.

“Where??”

“Anywhere.”

“You know I’m dead once they find out that I’m not there, right?”

“Oo, kaya nga sulitin mo na.”


Napaisip naman si XZ. Kung sabagay, mayayari na rin naman siya, eh ‘di sagarin na niya.


“You’re right.” Umayos na ng upo si XZ nang makalayu-layo na sila.


“Is today my birthday?”

“What? No.” Lingon sandali Nereo kay XZ upang sagutin ang tanong nito.


“Then what is this for?”

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon