CHAPTER 25

239 154 0
                                    

TWENTY-FIFTH

Kung hindi lang sana alam ni XZ kung paano sila napunta rito ay aakalain na talaga niyang patay na siya at nasa isang paraiso. Kitang-kita mula sa bintana ng tutuluyan nilang kuwarto ang magandang dagat na kanina pa rin nila nakikita habang papunta rito.


“Grabe, ang ganda.” nasabi ni XZ habang tinitingnan ang magandang tanawin. Hindi niya maalis ang tingin sa nakakaakit na dagat.


“Huwag mo lang titigan, languyan mo rin.” biglang bulong ni Mel sa tainga niya kaya nagulat siya.

“Ikaw talaga!” Kurot sana niya rito ngunit nakatakbo na ito palayo.


“Tara na!” Aya ni Mel at lumabas na mula sa kuwarto nila.


Nasa eroplano pa lang ay nasa panloob na ni Mel ang swimsuit niya kaya naman tinanggal lang niya ang T-shirt at pants niya pagkarating nila rito sa tutuluyan nilang kuwarto at handa na talaga siyang lumangoy.


Beaches are Mel’s favorite. Maaari mo itong patirahin sa tabing dagat habambuhay at hindi ito magrereklamo basta’t may nakakain ito at kasama nito ang surfboard niyang si Lilo.



Sa isang kuwarto naman kung saan mananatili sina Nereo, Hayden, at Wil ay nagpapalit na rin ang dalawa maliban kay Nereo na tapos na. Nauna nang lumabas ng silid si Wil nang matapos ito para puntahan si Liv kaya paglabas ni Hayden ng banyo ay si Nereo na lang ang nakita niya.


“What’s that?” Lapit ni Hayden sa pinsan nang makitang may tinitingnan ito sa loob ng maleta nito.

“N-Nothing, just some... notes.” Sara ni Nereo ng maleta niya ngunit hindi naman nakawala sa paningin ni Hayden kanina ang sobreng tinitingnan ni Nereo na agad nitong binalik sa loob ng maleta nang lumapit na siya.


“Nerd,” Pang-aasar na lang ni Hayden kahit alam niyang hindi talaga ‘notes’ ang tinitingnan ng pinsan. Natawa si Nereo sa itinawag sa kaniya ni Hayden at napailing-iling na lang. Maybe he is indeed a nerd. Niyaya na lang niya itong lumabas.


“You’re not going to swim?” tanong ni Hayden habang naglalakad sila palabas ni Nereo.

“I will, why?” sagot naman ni Nereo pagkalingon sa pinsang may lilang mga mata.

“Then why do you have that with you?” Nguso ni Hayden sa gitarang bitbit ni Nereo kaya naliwanagan ito.

“Ah, I just thought I could sing something to XZ later.”

“Just for XZ? How about me?” Akbay ni Hayden kay Nereo kaya natawa ito.

“You have Mel, you don’t need me.” natatawang sagot ni Nereo at humiwalay na sa pinsan nang makita na sina XZ, Mel, Liv, at Wil.


“What took you two so long?” nakapamewang na reklamo ni Mel na katabi ang surfboard niya.

“Woah, can you teach me how to surf?” Amazed na hawak ni Hayden kay Lilo.

“You don’t know how to surf?”

“I wouldn’t ask you to teach me if I did.” sagot naman ni Hayden na inirapan ni Mel.

“Whatever.”


Habang natatawa kanila Mel at Hayden ay nagtama ang tingin nina Nereo at XZ at saka napangiti sa isa’t isa. Lumapit si Nereo sa dalaga kaya napalingon sa kanila ang lahat.


“Let’s go.” anang ni Nereo kay XZ kaya nanlaki ang mga mata ni Hayden.


“Where are you going?”


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon