CHAPTER 15

280 172 0
                                    

FIFTEENTH

Minasahe ni Hayden ang balikat ni Sebastian at saka ito tinapik sa likod.


“You can do this, Pietro.”


“Go, Seb!” pabulong na cheer din ni Seamus sa pinsan kaya huminga ito nang malalim at naglakad na nga papunta sa gate ng isang unibersidad nang makitang palabas na ang isang babae.


“H-Hi, Morgan,” ngiti ni Sebastian sa dalaga ngunit nilampasan lang siya nito, tila ba hindi siya narinig.


Nagkatinginan sina Hayden, Seamus, at Pete sa nasaksihan at agad na lumapit si Hayden kay Sebastian. Hindi man lang naabot ni Sebastian ang kahon ng tsokolate at isang tangkay ng pulang rosas na hawak nito.


“Excuse me, miss.” Hinabol ni Hayden sa babae habang hawak-hawak si Sebastian kaya sumunod na sa kanila sina Seamus at Pete ngunit hindi rin pinansin ng dalaga si Hayden kaya binitawan nito si Sebastian at humarang na sa daanan ng dalaga.


“Hayd—” pigil sana ni Sebastian kay Hayden ngunit kinompronta na nito ang babae.


“Excuse me. I am sorry for the inconvenience but I just want to know why my cousin here seems invisible to you,” senyas ni Hayden sa gawi ni Sebastian.


Humarap na rin sa wakas ang dalaga kay Hayden. Her eyes look bored.


“I don’t like guys with three names,” walang kainte-interes na sagot ng dalaga at sinukbit na ulit ang backpack sa balikat niya.


Napatingin naman sina Hayden at Seamus kay Pete na siyang natatanging may tatlong pangalan sa kanilang apat. Sina Nereo at Pete lang naman ang may tatlong pangalan sa kanilang sampu.


“This is the cousin I’m talking about,” paglilinaw ni Hayden sa dalaga at tinuro pa si Sebastian na napayuko na lang dahil sa hiya.

“So am I,” sagot ng dalaga.

“He only has one name. Sebastian. You don’t consider his middle name as his second name, do you?”

“What’s his full name?” tanong ng dalaga.

“Sebastian Lindervall Del Fierro,” sagot naman ni Seamus.

“That’s all,” dagdag pa ni Hayden at itinutok ang tingin sa dalaga nang may kunin ito sa bag nito.


“Then who is this?” tanong ng dalaga at inabot ang hawak na card kanila Hayden.


Sabay-sabay napakunot ang mga noo nina Hayden, Seamus, at Pete na nagkukumpulan nang tingnan ang card.



‘Have a nice day, Morgan!

♡PCS Del Fierro’



“Pete... Clyde... Sinnegan Del Fierro?” gulung-gulong lingon ni Hayden kay Pete kaya napailing na lang si Seamus. Pete’s name is Clyde Pete Finnegan DE VALLE. Hayden should’ve taken the hint that the sender is surely not Pete when he saw the surname. Hayden is kinda stupid sometimes.


“Do you have other names, Seb?” lingon ni Seamus kay Sebastian ngunit imbis na sumagot ay yumuko lang ito kaya nagpatuloy na sa paglalakad palayo ang babae na hindi naman na napigilan ni Seamus.


Si Hayden naman ay panay isip kung sino si PCS Del Fierro.


“Do we have another cousin whom we haven’t heard of yet?” nagtatakang tanong ni Hayden.


“Hayden... it’s Sebastian,” Seamus finally spilled to his dumb twin brother.


“What??!!!” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Hayden at saka humarap kay Sebastian.


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon