CHAPTER 47

162 50 5
                                    

FORTY-SEVENTH

He’s staring at the blue surface of the swimming pool, holding his diploma in his arms. He’s been like this for a couple of minutes. He can’t help but think about her. How she always tells him how proud she’ll be on the day they’ll finally get the piece of paper he’s holding right now.






“We’re gonna be here for quite a while, it’s better to look forward to the future to get motivated.” Tinuro ni XZ ang entabladong nasa harap nila, “don’t you feel motivated just by imagining how fulfilling it would be to go up there and finally receive the degree you’ve worked so hard for, huh?” siniku-siko pa siya nito.


“Don’t you feel excited, future Engineer Lacerda?” nakangiting tanong ni XZ. Her eyes are shining, Damien can tell how much she’s looking forward to that moment.






And that memory was from more than 2 years ago.


Inilapag ni Damien ang diploma niya sa lamesa saka pumunta sa malapit na mini fridge upang kumuha ng inumin.


“I’ll go,” hulog niya ng isang ice cube mula sa ice bucket sa basong kinuha niya.


“I won’t go,” hulog niya ulit ng isa pa at nagpatuloy siya sa paglagay ng yelo sa baso.


“I’ll go.”


“I won’t go. ”


“I’ll go.”


Natigilan siya nang makitang isa na lang ang yelong maipagkakasya niya sa baso. Tiningnan niya ang yelo na nasa hawak niyang ice tong at dahan-dahan niya iyong nilagay sa baso. “I won’t go.”


Sandali siyang napatitig sa baso na may anim na yelo sa loob.


“I always put seven ice cubes,” aniya habang pinagmamasdan ang baso. Totoo naman. He always puts seven ice cubes in this glass but for some reason, he can only fit six in it this time.


Hinintay niyang malusaw ang mga yelo at nang mahulog ang nasa taas ay nagdagdag siya ng isa pang ice cube dito.


“I’ll go,” lagay niya ng yelo sa baso at tumayo na. Palabas na sana siya nang maalala niya ang diploma niya kaya bumalik siya sa lamesa at kinuha ito saka tuluyang umalis.


Pagkarating sa tapat ng kotse niya ay kinapa ni Damien ang mga bulsa niya gamit ang kanan niyang kamay. Nang hindi niya ito makapa ay inipit niya ang diploma niya sa pagitan ng katawan at kaliwa niyang braso at ginamit na rin ang kaliwa niyang kamay sa pagkapa ng mga bulsa niya—kaliwa, kanan, harap, at likod ng kaniyang pantalon. Kahit na naka-plain shirt lang siya ay kinapa niya ang itaas niyang katawan dahil hindi talaga niya makapa ang susi ng kotse niya sa pantalon niya. Pumasok siya sa loob ng bahay at tiningnan ang lalagyanan ng mga susi ng kotse ngunit wala rito ang susi ng kotse na hindi coding ngayong araw, iyong ibang kotse kasing hindi coding ay ginamit naman ng mga magulang niya. Pumasok siya sa sala at tumunog ang telepono niya kaya sinagot naman niya ito pero ini-loud speaker niya ito saka hinagis ang cellphone at diploma niya sa sofa habang sinusubukan niyang hanapin ang susi niya sa paligid.


“Dame, where are you? Nandito na kaming lahat sa EP,” boses ito ni CJ.


Uh... yeah, I’m not coming,” medyo pasigaw na sagot ni Damien dahil malayo siya sa sofa kung nasaan ang telepono niya. Nakatungtong siya sa upuan at tinitingnan ang ibabaw ng mga glass cabinet dahil hindi niya nakita ang susi niya sa loob ng mga ito.


“What? Where are you? Bakit ang hina ng boses mo?” tanong ni CJ sa kabilang linya, na-iimagine ni Damien na nakakunot na ang noo nito ngayon.


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon