CHAPTER 35

156 97 0
                                    

THIRTY-FIFTH

Pagkatapos ng karera at pagkauwi sa bahay nila ay napagpasyahan ni Eze na umupo muna at sumandal nang komportable sa sofa sa sala nila habang nagkakagulo ang lahat sa BR. Mayroon silang puwesto sa BR na mukhang loob ng arcade dahil mayroon silang limang driving arcade machines at mayroon ding parte sa BR na mukhang loob ng computer shop dahil may sampung computers na nakahilera nang tigli-lima. Kasalukuyang naglalaro sina Mel, XZ, at Liv ng isang larong multiplayer online battle arena kasama sina Hayden, Seamus, Sebastian, Samuel, Pete, Kai, at Skyler na halos limang minuto nilang pinilit. 5 versus 5 ang laro nila; magkakakampi sina Seamus, Mel, Sebastian, Kai, at Pete habang magkakakampi naman sina XZ, Liv, Hayden, Skyler, at Samuel.


“Heal! XZ, HEEEEAAAL!” sigaw ni Liv kaya natatarantang kung anu-ano na lang ang pinindot ni XZ sa keyboard niya kaya natawa ang mga kalaban nilang sina Seamus, Sebastian, Kai, at Pete samantalang seryoso si Mel sa paglalaro.



Dahil nakabukas ang pinto ng BR ay rinig na rinig ni Eze ang sigawan ng mga naglalaro sa baba kahit pa nasa sala na siya kaya natawa na lang din siya. He didn’t expect Liv Villanovo to be super competitive. She always looks so demure, conservative, and poised. Mas natawa siya nang maalalang magkakampi pa pala sina Liv at Hayden na isang pang competitive, mukhang dudurugin nila ang team nina Mel.


Narinig ni Eze na may naglakad palabas ng kusina ngunit hindi na siya nag-abala pang lumingon dahil nakita niyang dumaan si Nereo patungo sa direksyong iyon kanina. Nagulat lang siya nang maramdaman niyang biglang may humalik sa tutok ng ulo niya kaya napalingon siya kay Nereo na tatabi sa kaniya.


“I thought you were playing—” Uupo na sana si Nereo sa tabi ni Eze ngunit nagulat siya nang paglingon niya sa nakaupo ay si Eze ang bumungad sa kaniya.


“What?” gulung-gulong tanong ni Eze at napailang kurap pa. “What are you doing?”


“I’m sorry, I’m sorry, I thought you were XZ.” depensa ni Nereo at natawa na lang sa sarili. Umupo na siya sa tabi ni Eze ngunit agad itong lumayo sa kaniya habang nakatingin sa kaniya na para bang isa siyang manyak.


“Whaat?” naguguluhan pa ring tanong ni Eze sa mas mataas na tono kaya tuluyan nang natawa si Nereo dahil pati siya’y hindi makapaniwala sa ginawa niya. Akala niya talaga ay si XZ ang nakita niyang nakaupo.


“I really thought you were XZ. I only saw the top—upper part—of your head. I guess you have the same hair color.”


Sandali namang napaisip si Eze, inalala ang buhok ni XZ at saka napatangu-tango nang mapagtantong may punto naman ang sinabi ni Nereo.

“Yeah, maybe.”



Pagkatapos maglaro ng kung anu-anong laro sa BR ay nagpasya na rin silang kumain. It was a very enjoyable meal for all of them especially after a series of games they all enjoyed playing with one another. They all wanted to do this before XZ and Nereo leave and now that this wonderful day is about to end, it feels kind of sad but they know it’s a day well spent and it is not the end.


Sinundo na agad si Liv pagkatapos na pagtapos nilang kumain kaya naman nagpaalam na rin ang magpipinsan kanila XZ at Mel nang uuwi na rin ang mga ito. Isa-isang nagpaalam ang mga kalalakihan kay XZ.


“I’ll go first,” Agad na tayo ni Seamus.


“I was the one you got to know you first so I want to be the first one to say goodbye too. Well, I know this isn’t really a goodbye but I want you to know that I’m going to miss you. It’s really fun to be with you, XZ. Come back as soon as possible.” nakangiting wika ni Seamus kaya napangiti rin si XZ.


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon