EIGHTH
Ilang linggo nang hindi mapakali si Damien. Noong isang linggo nang hindi pumapasok si XZ at hindi nagre-reply sa kaniya ay pinuntahan na niya ito sa bahay nito ngunit laging walang tao roon. Hindi rin niya maabutan si Valentine Martinez sa SGU kaya kinabahan na siya dahil baka umalis pala ang mga ito ng bansa. Mabuti na lang at noong nakaraang linggo ay may balita na si Mel pero hindi pa rin mapalagay si Damien. Hindi siya nire-replyan ni XZ, lagpas isang buwan na itong hindi nag o-online, at hindi naman hahayaan ni XZ na mag-alala siya nang ganito rito kaya pakiramdam niya ay mayroon talagang mali.
“Drifting off again, Dame?”
Napalingon si Damien kay Eze na tumapik sa balikat niya’t umupo sa kaharap niyang upuan. Napatingin siya sa paligid at nakitang nasa classroom naman siya. Paano ito napunta rito?
“Bakit ka nandito?” kunot-noong tanong ni Damien.
“Your class is done. Let’s go,” aya ni Eze at sumenyas papunta sa pinto kaya napalingon doon si Damien at nakita sina Kai, Sebastian, at Skyler. Tumayo na nga si Damien at sumama sa mga kaibigan. Bago tuluyang lumabas ng building ay napahinto siya.
“Sina Nereo at Seamus?” tanong niya dahil Engineering din ang mga ito. Naisip niyang nasa loob din ang mga ito ng building at baka gusto na ring kumain.
“Mamaya pa break nila,” sagot ni Kai na patuloy lang sa paglalakad kaya sumunod na rin si Damien.
Pagkapasok nila sa madalas nilang kainan nitong mga nagdaang linggo ay nakita nila si Hayden. Mag-isa lang ito kaya medyo nagtaka sila dahil madalas na nitong kasama si Mel.
“Where’s Mel?” tanong ni Sky kay Hayden nang makalapit sila rito.
“Oh, she’s with XZ,” sagot ni Hayden kaya sabay-sabay napalingon ang apat kay Damien.
“W-Where are they?” natatarantang tanong ni Damien.
“Relax, they’ll be here in a bit,” sagot ni Hayden at naghanap na sila ng mauupuan.
“Are they... a thing?” nagtatakang tanong ni Sebastian na ngayon lang napagtantong napapadalas nga ang pagsasama nina Mel at Hayden. Ngayon lang niya ito napansin dahil ngayon lang niya nakitang mag-isa si Hayden, doon niya lang namalayan na lagi nga itong kasama ni Mel.
“Why? Jealous?” panunukso ni Skyler.
“I’m just curious,” sagot ni Sebastian at lumapit naman si Hayden sa kanila, narinig nito ang buong usapan.
“Oh, Pietro. You know that if the world ran out of women, I’d choose Nereo first but if he’s unavailable... then I’d choose you,” mapang-asar na saad ni Hayden kaya napailing na lang si Sebastian.
“So, what are we having for today?” tanong ni Kai.
“Why don’t we just get 6 boxes of pizza?” tanong ni Seb.
“Why 6??” kunot-noong tanong ni Sky.
“Oh, Pete’s not here. How about 2, then?”
“Yeah, sounds good,” sang-ayon ni Hayden.
“Alright, 2 boxes of pizza,” saad ni Kai at umalis na upang bumili ng pagkain nila.
“Relax, mate,” saad ni Hayden pagkaupo sa tabi ni Damien. Halata sa mukha ni Damien na iniisip nito si XZ. Ganito rin ang itsura nito nitong mga nagdaang linggo.
“To be fair, if I were him, I wouldn’t be able to relax either. I mean, where did she go? What happened? Why didn’t she reply to my messages?” saad ni Sky.

BINABASA MO ANG
Lost Stars
Ficțiune adolescenți[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older brother, Valentine, XZ is and will never be used to the attention people are giving her but she guesses t...