CHAPTER 1

756 197 11
                                        

FIRST

Ramdam ni XZ ang bawat matang nakatitig sa kanila ngayon. Inangat niya ang tingin sa kuya para makita kung naiilang din ba ito sa lahat ng pares ng mga matang nakatutok sa kanila ngunit mukhang wala itong pakialam. Nagpumilit pa kasi itong kuya niyang ihatid siya hanggang sa loob ng kaniyang unibersidad kahit na sa ibang unibersidad naman ito nag-aaral. Hindi naman sa hindi siya sanay na ganito ang kuya, talagang lagi siya nitong sinasamahan saan man siya magpunta pero ngayong malaki na siya at kasama na niya ito sa parehong bansa ay nais naman sana niyang lumabas mag-isa.


“Ako na lang papasok mag-isa rito,” ani XZ ngunit hindi naman siya pinansin ng kapatid at nagpatuloy lang ito sa paglalakad.


“Is that Valentine Martinez?”

“Sana lagi na lang niyang hinahatid ‘yung kapatid niya para lagi natin siyang nakikita.”

“Grabe, ang gwapo talaga ni Valentine Martinez.”

O my gosh! Bakit ba hindi na lang siya rito mag-aral?”


Hindi alintana ni Valentine Martinez ang mga bulong-bulungan, tuluy-tuloy lang siya sa kaniyang paglalakad. His gorgeous ebony black hair sways as the cool wind blows, and his sharp yet cold dark brown eyes are looking straight ahead. Wala siyang pakialam sa mga matang nakatutok ngayon sa kanila. Para bang sanay na sanay na siya sa atensyong binibigay sa kaniya ng madla.

Kung sabagay, siya si Valentine Martinez. He’s the eldest child of John and Monique Martinez, one of the finest and wealthiest business owners not just in the country but nowadays, you can say, all over the world. And it’s not just that, he grew up to be a very stunning young man. He’s used to these kinds of affection and attention because he grew up receiving a lot.


But XZ is different. Unlike her brother, she grew up without a lot of exposure that’s why right now, she’s really uncomfortable. She looked at her brother and noticed that he doesn’t care about the people around them. How she wishes she could do the same. Ang hirap naman na may gwapong kuya.


“Text me if you want me to pick you up, alright?” sabi ni Valentine at tumangu-tango lang si XZ bilang sagot. Bahagyang ngumiti ang binata at ginulo nang kaunti ang buhok ng kapatid bago tuluyang umalis.


What the heck? Ang tagal-tagal kong sinuklay ‘to tapos guguluhin lang? Halos umikot ang mga mata ni XZ sa inis nang magmukha na naman siyang bruha dahil sa paggulo ng kuya niya sa buhok niya. She just let out a frustrated sigh and quickly fixed her hair with her bare fingers as she walked towards a vacant seat.


“Hi, XZ.”

“XZ, dito ka na lang, oh.”


Nginitian lang niya ang mga tumawag sa pangalan niya. Hindi talaga siya sanay sa atensyon at hindi siya komportableng makihalubilo sa mga taong hindi niya gaanong kilala. Umupo na siya sa bakanteng upuan at ilalapag na sana ang dalang bag sa katabing upuan niya para ireserba ito sa kaibigan nang marinig naman niya ito.


“XZ, girl! Na-miss kita!” Umupo si Mel sa tabi ni XZ at niyakap ito.


Hindi sila nakalabas buong bakasyon dahil nga hindi naman nakakalabas mag-isa si XZ. Kahit pa pabor na pabor si Mel lumabas kasama si Valentine Martinez, ayaw ni XZ makipagkuwentuhan sa matalik niyang kaibigan habang nakikinig ang kuya niya. She can’t imagine giggling while her Kuya Val is within a mile radius, without any wall separating her from him.


Pagkatapos nilang magyakapan ay pinagmasdan ni XZ ang kaibigan. Pansin niyang nangitim ito at mapula-pula pa nga buhat ng pagbabakasyon sa pitong probinsya. Onti na lang talaga’t papalitan na nito si Dora.


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon