SECOND
Habang tumatakbo sa field, medyo lumapit si Hayden kay Kaius na nakatutok ang atensyon sa bolang kasalukuyang nasa kalaban. Siya, si Kaius, Sebastian, at walo pang teammates nila ang nasa field ngayon kalaban ang ibang unibersidad.
“Kai, is that Dame?” tanong ni Hayden kay Kaius. Hayden is paying attention to the ball with his amethyst eyes but he’s also intrigued by the girl next to his friend. Kaius is used to Hayden’s British accent but he couldn’t help but be bothered a little every time he hears how he speaks. Para kay Kaius ay ang arte talagang pakinggan ng mga salita sa British accent ng mga pinsan niya.
“Where?” tanong ni Kai at naalis ang tingin sa bola. They don’t usually talk while playing especially on a serious match like this, against another university, but as Hayden just said four minutes ago, ‘this game is too fucking easy!’
“There! ‘Yong may kasamang chics,” sagot ni Hayden, may punto ito sa pananagalog.
Sinipa ng kakampi nila ang bolang kakaagaw lang nito mula sa kalaban papunta kay Hayden na nakuha naman nito.
“Ah, oo p’re! Ganda, ‘no?” sagot ni Kaius habang tumatakbo kasama si Hayden.
“Wow! The power of Damien Lacerda!” ani Hayden at inunahan nang tumakbo si Kaius. Patuloy lang siya sa pagtakbo patungo sa goal post at nang makahanap ng butas ay agad na sumipa papasok sa goal post.
“And Hayden Del Fierro scored for St. Michael University!”
“17-3 in favor of SMU!”
“St. Michael won the game!”
Kasunod ng anunsyo ng pagkapanalo ay nagsitayuan ang karamihan at naghiyawan. Nagbatian sandali ang mga manlalaro at pumunta na rin ang magpipinsan sa mga pinsan nilang nasa bench nanonood kasama ang kanilang kaibigang si Damien at kasama nitong dalaga.
“Catch!”
Napalingon si Hezekiah sa pamilyar na sigaw at sinalo ang bote ng tubig mula sa babaeng kasama ni Damien. Kasunod nito ay ang paghagis din ng babae ng tubig sa iba pang mga naglaro. Bumaba mula sa watchers bench sina Skyler, Seamus, Samuel, Damien, at kasama nitong babae.
“XZ nga pala,” pagpapakilala ni Damien sa dalagang kasama sa mga naglaro na Del Fierro, De Valle at Fraire.
“Damien’s... friend,” pagpapakilala ni Samuel sa babae na halatang nang-aasar pa.
“Hindi ba... girlfriend?” biro naman ni Hezekiah na dahilan para tumawa ang lahat at inabot ang kamay ng babae.
Nakitawa si XZ sa mga lalaking kasama kahit na hindi niya naintindihan ang sinabi ng lalaking kaharap niya dahil abala siya sa pagtitig rito. Hezekiah’s gorgeous chestnut brown hair and elegant emerald green eyes surely didn’t miss the chance to catch her attention.
“Hezekiah Fraire,” pagpapakilala ng binata na may matatamis na ngiti sa kaniyang labi.
“You can call me Eze.”
“Sebastian Del Fierro,” abot naman ni Sebastian ng kamay niya at ngumiti kaya naman sa kaniya na nabaling ang atensyon ng dalaga. XZ stared at his light ash-blonde hair before moving on to stare at his dazzling sterling gray eyes. Malamang sa malamang ay may halo itong ibang lahi kaya ganito na lamang ang kulay ng buhok at mga mata nito na nakapagpaisip pa tuloy kay XZ.
“Kaius De Valle. It’s my pleasure to meet someone as beautiful as you,” ngiti ni Kai. Kaius has this natural black hair and dark brown eyes that XZ examined for a while before moving on to meet the next one.
BINABASA MO ANG
Lost Stars
Teen Fiction[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older brother, Valentine, XZ is and will never be used to the attention people are giving her but she guesses t...