CHAPTER 32

170 102 0
                                    

THIRTY-SECOND

Tila naging palengke ang buong SMU Engineering Department dahil sa sari-saring ingay na maririnig mula sa una hanggang ika-anim na palapag ng gusali. Pagka-akyat pa lang ni Louise sa ikalawang palapag ay kalat na nga sa mga bulong-bulungan ng mga estudyante ang nabalitaan niya kani-kanina lamang na iyon ngang dahilan ng pagpunta niya rito upang hanapin si Nereo.


Habang sinisilip isa-isa ang mga silid ay hindi na napigilan ni Louise ang mga luha niyang kanina pa nagmamakaawang kumawala mula sa kaniyang mga mata. Pagkapasok pa lang niya ng unibersidad ay bumungad agad sa kaniya ang masamang balita. Pakiramdam niya ay nalaglag ang puso niya nang marinig iyon at kahit pa alam niyang nasa kaniya pa rin ito ngayon ay pakiramdam niya’y naiwan niya ito sa lapag at patuloy itong inaapak-apakan.


It can’t be. Hindi puwede... hindi puwede! Nereo, no, please...


Pinunasan ni Louise ang luhang pumatak sa pisngi niya. Pagkasilip sa isang silid ay natigilan siya nang maalala kung ano ang silid na ito.


This is the room where she first met Nereo.


Nasa high school pa lang sila noon at nagawi lang siya sa gusaling ito dahil hinahanap niya ang ate niya. Sakto naman at nakita niya sina Hayden at Nereo Del Fierro. Naghahamon si Hayden Del Fierro sa mga 1st year college students noon dahil binully raw ng mga ito ang kapatid niyang si Seamus. Of course, Louise already knew who they were at that time but that was the first time Nereo Del Fierro laid his eyes on her.


Nang makita siya ni Nereo ay hinawakan nito ang balikat ng pinsan at sinabihan itong tama na muna dahil may dadaan. Nang binalik ni Nereo ang tingin nito sa kaniya upang padaanin siya ay sa punto na ring iyon nahulog ang loob niya sa binata. Nereo has the most beautiful eyes she has ever seen in her entire life. No, they aren’t the shade of purple like Hayden and Seamus Del Fierro’s nor emerald green like Hezekiah Fraire’s but they are extremely charming in their own way.


Louise didn’t deny it to herself—that day was the day she fell in love for the first time. Since then she tried her best to get closer to Nereo Del Fierro but it wasn’t easy because Nereo has his own world. Even if he’s not with his cousins, he barely socializes with others. When he’s alone, it was still hard to approach him because it seems like he’s deep inside his own bubble, in his own world, apart from everyone else. Louise tried to pop that bubble that separates him from everyone else—from her—but she never succeeded. Through the years, Nereo would sometimes smile at her, talk to her when she approaches him, but that’s all.


Sinubukan naman ni Louise lumayo kaya nga nang umalis sina Nereo ay lumipat siya ng kurso ngunit nang bumalik ito ay ito na naman siya, hulog na hulog. Isang ngiti lang ni Nereo kahit pa hindi para sa kaniya ay napapangiti rin siya, isang salita lang ni Nereo kahit pa hindi patungkol sa kaniya ay hindi na magkamayaw ang kaniyang puso sa pagtibok, makita nga lang niya si Nereo kahit pa mula sa malayo ay nagtatatalon na sa kagalakan ang buo niyang pagkatao.


Hindi lang naman dahil sa itsura kaya nagustuhan niya si Nereo at sigurado siyang hindi lang naman siya ang nagkakagusto rito. For her, Nereo Del Fierro is the epitome of perfection. Hindi lang ito guwapo; matalino ito, mabait, maunawain, maalaga, maaalahanin, at matulungin. Hindi ito magarbo at hindi ito palakibo sa harap ng maraming tao ngunit alam niyang puro ang puso nito.


It’s embarrassing to admit but Louise attempted to seduce Nereo more than once but he never took advantage of her and because of that, she just fell deeper. He helps other people when they are in need, he encourages them when they’re feeling down, and he does all kinds of good things without even realizing it. That’s why Louise can’t even describe the pain she’s feeling right now while looking for him.


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon