TWENTY-SEVENTH
Habang tumitingin ng maaaring bilhin sa glass display counter ay napalingon si Eze sa counter nang may marinig na pamilyar na boses.
“Yes, extra whipped cream and syrup.” saad ni Damien sa cashier na narinig ni Eze.
“Dame,” tawag ni Eze sa kaibigan kaya gulat itong napalingon sa kaniya.
“Oh, nandito ka rin pala. Nakabili ka na ba? Sabay mo na sa akin.”
“Hindi na, ayos lang. Pero... may balak ka bang magkadiabetes?” pabirong saad ni Eze kaya natawa si Damien. Alam ni Eze na hindi rin masyadong mahilig si Damien sa matamis kaya naninibago siya rito.
“Ah, para kay XZ ‘yon.” medyo nahihiya pang sagot ni Damien na bahagyang ikinagulat ni Eze.
“Ayos... na kayo?” natanong ni Eze kaya muling napalingon sa kaniya si Damien.
“Oo. Actually, hindi ko alam kung mahilig pa rin siya sa sweets pero siguro naman hindi gano’n nagbago ang taste niya, ‘no? Sabi niya kasi medyo male-late siya kaya naisipan kong bumili ng makakain niya dahil baka hindi pa siya nakakapag-almusal.” saad ni Damien kaya napatangu-tango na lang si Eze at bahagyang napangiti. Naalala niya bigla ang kapatid niya no’ng mga bata pa sila dahil sobrang hilig din nito sa matamis.
“Daddy, mooore! More syrup!” Era demanded to her father, Kean. Natawa na lang si Kean at dinagdagan na nga ang syrup sa waffles ng anak at saka lumingon kay Eze.
“How about you, Kuya?”
“I’m fine, Daddy, just give my share of syrup to Era.” nakangiting sagot ni Eze kaya natawa sina Kean at Celine.
“Eze, you can still have syrup even if Era had a lot.” saad ni Kean sa anak.
“And too much sugar is also not good for her, she might get sick.” dagdag pa ni Celine kaya humarap si Eze sa kapatid.
“Heard that, Era? Too much sugar is bad.”
“But it’s yummyyyy!” hagikgik ni Era pagkataas ng brasong may hawak na kutsara sa ere.
Ang masayang alaalang iyon ay unti-unting naging malungkot para kay Eze. Naalala na naman niya kung paano siya niloko ni Sophie Manansala kaya napabuntong-hininga siya at umorder na rin nang siya na ang nasa counter.
“Una na ako, ah? See you around.” Paalam ni Damien kay Eze nang makuha na niya ang order niya kaya tinanguan siya ng huli.
Pagkakuha rin ni Eze ng order niya ay lumabas na siya ng shop at saka huminto sandali. Napatitig siya sa mga sasakyan at taong dumadaan at saka naisip ang kapatid niya. Nasaan na kaya ito ngayon? Mahilig pa rin kaya ito sa matatamis?
Pumikit siya sandali at sa wakas ay naitanong na rin sa sarili ang tanong na ayaw niya sanang isipin.
Mahahanap ko pa ba siya?
Pagkamulat ni Eze ng mga mata niya ay nagulat siya nang makita si XZ. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang iba ang kulay ng mga mata nito. Dahil ba sa sinag araw na tumatama sa buong mukha nito? Pero maaari bang maging berde ang kulay ng mata ng tao kapag itinapat ito sa araw?
“XZ?” tawag ni Eze sa dalaga nang makarating ito sa tapat niya kaya napalingon naman ito sa kaniya.
“Eze!” halong gulat at galak na bati ni XZ nang makita si Eze. Her lips automatically curved when she noticed that his eyes are lighter than usual because of the sun. Seeing Eze’s eyes made XZ realize that she forgot her contacts at home. Shit.
BINABASA MO ANG
Lost Stars
Teen Fiction[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older brother, Valentine, XZ is and will never be used to the attention people are giving her but she guesses t...