THIRTEENTH
Ngiting-ngiting lumabas ng sasakyan niya si Eze. He’s really happy. He had a lot of fun with XZ that he still can’t wipe the smile off of his face. They played at the park, rented and rode bicycles, ate street foods for snacks, and the best part was it was all laughter. Katatawa niya yata kanina ang dahilan kaya hindi na niya maibaba ang dalawang dulo ng labi niya ngayon.
Bago tuluyang makapasok sa bahay si Eze ay nakasalubong niya sina Kai, Skyler, at Pete. Alam niyang sabay sina Skyler at Pete umuwi at mukhang nakasabay lang dumating ng dalawa si Kai.
“Totoo bang nag-iskandalo si Sky kanina?” tanong ni Kai na mukhang interesadung-interesado pagkapasok nila sa bahay. Si Sky naman ay napailing na lang nang marinig ang tanong ni Kai kay Eze. Kanina pa siya kinukulit nito nang makasalubong nila ito sa garahe.
“Oo. Nagulat nga ako, eh,” sagot naman ni Eze habang patuloy silang lahat sa paglalakad papasok ng bahay.
“Wow, ‘di ba usually kapag nag-iiskandalo, natu-turn off yung mga tao? Bakit parang ang daming nagkagusto kay Sky dahil sa ginawa niya?” saad ni Kai kaya si Eze naman ang naging interesado.
“Maraming nagkagusto sa kaniya dahil sa nangyari kanina?”
“Oo. Kaya ko nga nalaman na nag-iskandalo siya kasi paglabas ko kanina, siya lang ang bukambibig ng mga tao. May mga kinikilig pa nga’t sinabing ideal guy raw talaga si Sky,” sagot ni Kai kaya sabay na inasar nina Eze at Pete si Sky.
“Ayiiee... ideal guy naman pala.”
“Puwede na, puwede na talaga para kay Harper.”
“Shut up,” saad na lang ni Skyler kaya natawa ang tatlo.
“Ganiyan ba ang ideal guy? Paano kung girlfriend mo kami? Sasabihan mo lang kami ng ‘shut up’? Grabe ka naman, Sky,” pagda-drama ni Kai na umarte pang nasaktan siya dahil kay Skyler.
“Well... they did say ideal guy, not ideal boyfriend,” sagot ni Pete pagkatapos ubusin ang kinakaing ham sandwich at nagtawanan sina Eze at Kai.
“Sam made pizza!” excited na wika ni Pete nang maalala niyang sinabihan siya ni Samuel kanina na gagawa ito ng pizza pag-uwi kaya naman nauna na siya’t tumakbo papuntang kusina.
Dumiretso naman sina Eze, Skyler, at Kai sa BR. Nauna si Skyler pumasok kaya nakita niya agad ang mga pinsan na kumakain ng pizza.
“Pete went to the kitchen, he thought you were there,” ani Skyler kay Samuel habang binababa ang bag niya. Natatawang napailing na lang si Sam.
Si Eze ang huling pumasok kaya sinara niya ang pinto. Nagulat siya nang makita si Damien at babatiin na sana niya ito ngunit hindi pa niya naibubuka ang labi niya ay sinuntok siya nito na ikinagulat ng lahat.
Nabitawan ni Kai ang kakukuha lang na pizza at agad pumagitna sa dalawa dahil siya ang pinakamalapit dito. Lahat naman ay napatayo sa kinauupuan nila maliban kay Lucas na nakatingin din naman ngunit patuloy pa rin sa pagkain.
“What’s the matter with you?” kunot-noong tanong ni Sebastian at tumabi kay Kai upang harangan si Eze mula kay Damien.
“People saw you,” mariing saad ni Damien kay Eze kaya naguluhan ang huli. Malamang makikita siya ng mga tao, hindi naman siya invisible.
“You were with XZ, weren’t you?”
Nang marinig ang tanong ni Damien ay nalipat ang lahat ng pares ng mga mata kay Eze. Lahat sila’y naghihintay ng sagot.
BINABASA MO ANG
Lost Stars
Teen Fiction[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older brother, Valentine, XZ is and will never be used to the attention people are giving her but she guesses t...