EIGHTEENTH
Papalabas na sana si Nereo ng bahay nang makasalubong niya sina Eze at Damien kaya tumigil siya sandali upang tingnan kung kailangan ba ng tulong ni Eze kay Damien dahil mukhang lasing na lasing ito.
“Move on! Ang dali-daling sabihin, eh ‘no? Paano ko ba malalaman kung kailangan ko na nga mag-move on? Tarantado talaga ‘yong Bry na ‘yon, eh! Move on raw? Paano ‘pag bumalik pa ‘yung alaala ni XZ?” sunud-sunod na ani Damien habang akay-akay siya ni Eze. Bakas sa labi ni Damien ang sugat at pasa rito.
“Anong nangyari sa inyo?” tanong ni Nereo pagka-akay sa isa pang braso ni Damien upang tulungan si Eze.
“Napaaway,” tipid na sagot ni Eze dahil ayaw na lang niyang magsalita tungkol sa pinaggagawa ni Damien.
“Teka, ikaw ba si Nereo?” hinto ni Damien sa paglalakad kaya napahinto rin ang dalawa. Humarap si Damien kay Nereo at tinanggal ang pagkakaakay nito sa braso niya. Hindi sumagot si Nereo bagkus ay ibinalik lang ang braso ni Damien sa pagkakaakay niya ngunit muli lang nitong inalis ang braso nito mula sa kaniya.
Umiling-iling si Damien at saka napapikit. Nag-init lalo ang ulo’t dugo niya.
“Isa ka pang tarantado ka!” biglang sapak ni Damien sa pisngi ni Nereo kaya nagulat ang magpinsan. Agad na hinila palayo ni Eze si Damien ngunit mas malakas ito kaysa kanina. Hindi natansya ni Eze ang lakas sa paghila rito kaya nakawala ito sa kaniya at tinumba na si Nereo.
“Dame! Damien! Stop!” pigil ni Eze at hinihila si Damien palayo mula sa nasa lapag na Nereo.
“Ano?! Ano?! Matapang ka, ‘di ba?! Bakit ‘di ka lumaban?! Ano, Nereo?!” galit na galit na sigaw ni Damien habang pinagsusuntok si Nereo na dinadaganan niya.
“You’re drunk. Stop this,” nahihirapang saad ni Nereo habang hinaharangan ang mga suntok ni Damien.
“Anong drunk?! May pinagkaiba ba ‘yon?! Kahit naman lasing ako o hindi, trinaydor mo pa rin akong gago ka!” galit at paulit-ulit na suntok ni Damien sa mukha, ulo, at katawan ni Nereo.
“What the fuck, Damien?!” saad ni Hayden nang makitang sina Damien at Nereo pala ang maingay. Agad siyang tumulong kay Eze pigilan si Damien at buti na lang ay sumunod sa kaniya sina Kai at Sebastian kaya tumulong ang mga ito sa paghila nila kay Damien palayo kay Nereo.
“Are you okay?” tanong ni Sebastian kay Nereo nang tulungan niya itong tumayo at tumango naman ito.
“No, you’re not okay. Look at your fucked up face,” sagot ni Hayden kay Nereo at saka ibinaling ang tingin kay Damien.
“What the hell’s wrong with you?!” sigaw ni Hayden kay Damien.
“You’re doing this because of a girl? He’s your friend, Dame!”
“Friends don’t steal someone you love, Hayden. Friends don’t do that.”
Anger and pain filled Damien’s eyes that’s why when Hayden saw those enraged and agonizing pair of orbs, he wasn’t able to respond. At this moment, he wants to sympathize with Damien but a larger part of him knows Damien overstepped.
“You also don’t hurt your friends, Dame,” kalmado ngunit mariing sagot ni Hayden.
“You never hurt your friends, for fuck’s sake,” saad pa ni Hayden at kinuha na si Nereo upang ipagamot ito kay Yaya Payeng.
“Damien, you have to calm down. This fighting-with-everyone coping mechanism of yours will get you nowhere,” saad ni Eze kay Damien.
“Woah, wait. Hindi lang si Nereo ang inaway niya ngayon?” tanong ni Kai kaya umiling si Eze.

BINABASA MO ANG
Lost Stars
Novela Juvenil[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older brother, Valentine, XZ is and will never be used to the attention people are giving her but she guesses t...