FOURTEENTH
Habang nagpapaliwanag si XZ kung paano nakuha ang sagot sa isang item sa test ay hindi mapigilan ni Nereo mapatitig dito. Ever since he met XZ, she’s been a mystery. He usually doesn’t care about other people and their business and he doesn’t like other people caring about his business as well but XZ is different. When she talked to him last week, he just automatically and genuinely answered.
Nang makita ni Nereo si Lucas sa kainan ay kusang tumaas ang dalawang dulo ng labi niya at lumapit siya rito.
“Luke,” tawag niya sa pinsan. Lumingon ito sa kaniya ngunit nang makita siya ay naglakad na ulit ito na para bang wala itong nakita.
Sumunod si Nereo kay Lucas, may ngiti pa rin sa mga labi niya.
“May hinahanap ka ba?” nakangiting tanong ni Nereo na hawak ang tray niya ng pagkain.
Hindi sumagot si Lucas, dire-diretso lang ito sa paglalakad at nang mapagtanto ni Nereo na palabas na ng kainan si Lucas ay huminto na siya sa pagsunod dito’t napayuko na lang. Pagka-angat niya ng ulo niya ay pilit ulit siyang ngumiti. He’s used to Lucas ignoring him as if he doesn’t exist. It shouldn’t hurt so much by now but the problem is... it still does hurt.
“Are you okay?”
Napalingon si Nereo sa nagsalita at nakita si XZ Martinez na may hawak ding tray.
“Yeah,” nakangiting sagot ni Nereo.
“What’s his problem?” kunot-noong tanong ni XZ na ngumuso pa sa gawi ng pintuan kung saan lumabas si Lucas.
“He’s just probably not in the mood to talk,” sagot na lang ni Nereo at naglakad na. Akala niya’y hihiwalay na si XZ sa kaniya kapag naglakad na siya ngunit nagkamali siya. Nang sinusundan pa rin siya ng dalaga ay hinarap niya ito at nakitang nakatingin ito sa taas habang sumusunod sa kaniya, mukhang may iniisip.
“Well, he’s a very smart person. Maybe being super smart has its own side effects, don’t you think?” saad ni XZ nang ibalik ang tingin kay Nereo.
“Maybe...” sagot ni Nereo at bahagyang natawa. Sinasabi ba ng dalagang ito na may sayad ang pinsan niya?
“Anyway, you’re a very nice person. Just have patience with him,” ngiti ni XZ sa binata at naglakad na palayo. Sinundan siya ng tingin ni Nereo at nakitang pumunta na siya sa mga kaibigan niyang naghihintay sa kaniya.
Wala sa sariling napangiti si Nereo nang maalala niya ang nakangiting mukha ni XZ.
“I’m a very nice person...” mahinang saad niya sa sinabi ni XZ sa kaniya at saka muling napangiti.
“May naintindihan ka ba?” tanong ni XZ kaya nabalik sa realidad si Nereo. Mukhang nag-aalangan si XZ dahil hindi ito tiwala sa sarili niyang kakayahang magturo sa ibang tao.
“Yes, you’re very good at this,” nakangiting sagot ni Nereo kaya bahagyang natawa si XZ. Tingin niya’y binobola lang siya ni Nereo upang hindi sumama ang loob niya.
“Weh?”
“Oo nga,” natatawang sagot ni Nereo.
“Sige nga, paano ‘to nakuha?” tanong ni XZ at tinuro ang isang item sa test.
Natawa si Nereo at ipinaliwanag na nga kung paano nakuha ang sagot. Mel’s right. He knows the test so well but he intentionally made some mistakes for this opportunity. Minali niya ang labing dalawang items sa test kaya nagulat siya nang malamang pangalawa pa siya sa pinakamataas.
BINABASA MO ANG
Lost Stars
Teen Fiction[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older brother, Valentine, XZ is and will never be used to the attention people are giving her but she guesses t...