THIRTY-EIGHT
Pagkarating nila XZ sa airport ay dumiretso na sila sa airfield. Hindi na nila kailangan pang maghintay dahil private jet naman ng mga magulang niya ang sasakyan nila. Pagkalabas nila sa open area ay sinilip niya ang telepono niya upang tingnan kung may mensahe ba si Nereo sa kaniya at nagulat siya nang makitang ang dami nitong missed calls. Naka-silent kasi ang telepono niya buong biyahe nila mula sa bahay hanggang airport.
Nagulat siya nang makitang tumatawag ulit ito kaya agad niya itong sinagot.
“He—”
“XZ! Nasaan ka? Nakasakay ka na ba?” Bakas sa boses ni Nereo ang pagmamadali’t pagkataranta.
“Bakit? Don’t tell me pumunta ka? Sabi ko naman sa—”
“Nasaan ka?? Nasa boarding area ka pa ba?”
“No, we’re at the airfield, pasakay na ng eroplano.”
“XZ!” tawag ni Monique kaya napalingon si XZ sa kaniya. “Let’s go.”
“I have to go now. I’ll message you later. I love you.” nagmamadaling sabi ni XZ kay Nereo na nasa kabilang linya at binaba na ang tawag.
Sumunod na nga si XZ sa ina ngunit hindi pa siya nakakailang hakbang ay nagulat siya nang marinig na may sumigaw sa pangalan niya.
“XZ!”
Pagkalingon niya sa direksyon ng tumawag ay nakita niya si Nereo. Sinubukan itong harangin ng mga bantay ngunit masyado itong mabilis at nakalampas sa kanila. Mabilis siyang tumakbo papunta sa direksyon ni XZ.
“Nereo? What are you doing here?!” gulat at naguguluhang pasigaw na tanong ni XZ ngunit hindi sapat ang lakas ng sigaw niya upang marinig ni Nereo.
“XZ!” sigaw ni Monique kaya napalingon sa kaniya si XZ ngunit agad din nitong binalik ang tingin kay Nereo dahil nga nagtataka ito bakit nandito ang binata.
“Don’t come with them! They’re not your real parents!” sigaw ni Nereo habang tumatakbo palapit kay XZ. Mas lalo namang naguluhan si XZ. Alam naman niyang hindi niya talaga tunay na magulang ang mga kinikilala niyang magulang dahil ampon siya. Her Kuya Val looks so much like their parents and she’s nowhere near them, plus she has green eyes that she doesn’t know where she got from. But why is Nereo suddenly bringing it up?
“XZ!” Nagulat si XZ nang nasa tabi na niya ang nanay niya. Hinawakan siya nito sa braso at hinila na papunta sa eroplano.
“M-Mom, wait, I’ll just say good—”
“Let’s go.” mariing sambit ni Monique at mas humigpit din ang hawak sa braso ni XZ.
“XZ, no!” sigaw ni Nereo habang tumatakbo ngunit nahuli siya ng isang staff. “Don’t come with them! They’re not your real parents! They abducted you!”
Gulat na napalingon si XZ pabalik sa direksyon ni Nereo dahil sa narinig kaya nabitawan siya ni Monique. Nasa tapat na sila ng hagdanan paakyat ng eroplano.
“What?” mahina at natigilang tanong ni XZ sa hangin ngunit narinig ito ni Monique.
“John,” kinakabahang tawag ni Monique sa asawa na nasa hagdanan, nakahawak sa railing, ngunit pati ito ay nagulat.
“John!” muling tawag ni Monique kaya nagulat si John at bumaba upang lumapit sa mag-ina niya.
“That kid’s crazy. Let’s go,” Hinawakan ni John ang likod ni XZ upang igawi na ito paakyat ngunit hindi ito sumunod.

BINABASA MO ANG
Lost Stars
Teen Fiction[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older brother, Valentine, XZ is and will never be used to the attention people are giving her but she guesses t...