FOURTH
Taimtim na pinagmamasdan ni XZ ang mga tao. Halos lahat ay abala sa pamimigay ng fliers at pakikipag-usap sa mga estudyante. Napalingon siya sa nagsalitang papalapit sa kaniya at nakita si Mel.
“Ba’t ka nandito? Nasaan si Fafa Dame?” tanong ni Mel at tumabi sa kaniya.
“Ayun, oh,” nguso ni XZ sa direksyon ni Damien na abala rin sa pakikipag-usap sa mga estudyante.
“Oo nga pala, tumatakbo rin siya para sa council,” saad ni Mel nang makita si Damien at mga kasama nito.
“In fairness, mukhang angat sila rito. Galing manligaw ng botante,” biro ni Mel at pabiro pang hinampas si XZ na hindi naman kumibo bagkus ay bumuntung-hininga.
“Buti pa mga botante, nililigawan.”
Napalingon si Mel kay XZ. “Girl, akala ko ba napunta na kayo sa usapan na ‘yan last time? Bakit hindi niyo pa pinag-usapan nang maayos?”
“Ayaw ko na rin pag-usapan,” sagot ni XZ na inalis na ang tingin kay Damien.
“Kaloka ‘to, akala ko naman nag-usap na kayo tungkol doon since nabring-up na rin last time. Ano ‘yon? Nag-ayos lang kayo pero hindi niyo man lang pinag-usapan ‘yung dahilan ng pagwa-walk-out mo?”
“Nung nag-sorry siya, siyempre sinabi ko ayos na.”
“Grabe, Xanthe Zacharie saksakan ng...”
Nilingon ni XZ si Mel, “saksakan ng ano?”
“Bait,” ngiti na lang ni Mel at pinisil ang pisngi ng kaibigan. Nanggigigil talaga siya rito ngunit naaawa rin siya kaya ayaw na niyang sabihang tanga.
“Ready ka na ba mamaya?” pag-iiba ni Mel ng paksa.
“Ako pa,” may pagmamayabang na sagot ni XZ kaya napailing na lang si Mel.
“Tara na nga muna’t kumain,” aya ni Mel, sinukbit niya ang braso niya sa braso ni XZ at hinila na ito. Naglibut-libot sila sa malawak na field na nagsisilbing activity center ngayon. Nagkalat ang mga food stalls at kung anu-ano pang booths para sa Freshmen Week ng SMU.
Pagkatapos kumain at maglaro ay pumunta na sina Mel at XZ sa gitna kung saan magpe-perform ngayong araw ang mga banda at piling estudyante. Isa na naman si XZ sa mga naatasang mag-perform kaya naman kahit abala si Damien sa pangangampanya ay tinulungan pa rin niyang mag-practice si XZ nitong mga nagdaang araw.
Hinanap nina XZ at Mel si Damien at nang makita ang lalaki ay nakita rin nila ang iba pang mga kasama nito. Kilala na ni Mel ang mga ito. She’s been in SMU longer than XZ so, of course, she knows the Del Fierros, De Valles, and the green-eyed Hezekiah Fraire.
Bumati sina Kai, Eze, Hayden, Seamus, Samuel, Pete, at Sebastian kay XZ at saka nila hinintay ipakilala ng dalaga ang kasama nito.
“Everyone, this is Mel,” pagpapakilala ni XZ sa kaibigan kaya bumati rin ang mga ito kay Mel. Sadyang nagpahuli pa si Hayden.
“Hayden Del Fierro at your service, Bellissima,” pagpapakilala ni Hayden sa sarili na hindi maalis ang tingin kay Mel.
Napailing-iling na lang si XZ. Sa ilang araw na nakakasama-sama niya itong si Hayden ay alam at sigurado na siyang babaero ito. Araw-araw ay may nilalandi itong babae, mahina na ang lima sa isang araw.
Bakas naman sa mukha ni Sebastian ang pandidiri kay Hayden. Bellissima means very beautiful or gorgeous. There’s no doubt that Mel matches that description but it grosses him out seeing Hayden flirt in his language.
![](https://img.wattpad.com/cover/242682256-288-k731502.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost Stars
Ficção Adolescente[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older brother, Valentine, XZ is and will never be used to the attention people are giving her but she guesses t...