CHAPTER 19

257 168 0
                                    

NINETEENTH

Nakatitig lang si Damien sa labas ng bintana nang magulat siya nang makita sina Eze, Skyler, Kai, at Sebastian. Mukhang naliligaw na naman ng building ang mga ito.


Nagkatinginan sina Kai at Damien kaya kinalabit ni Kai si Eze at nang lumingon ito ay tinuro niya si Damien na nasa loob ng classroom. Nang makitang walang prof sa silid ay pumasok ang apat dito at pumunta kay Damien na nakaupo.


“Ba’t naliligaw na naman kayong apat ng building?” tanong ni Damien.

“We’re looking for Seamus. Alam ko break time rin niya, eh.” sagot ni Eze.


“Tapos na klase?” tanong ni Kai at umupo pa sa tabi ni Damien kaya umusog ito.

“Wala pa ‘yung prof.” sagot naman ni Damien.

“Darating pa ba?” tanong ni Skyler. Lumapit naman si Sebastian kanila Kai at Damien at nakisiksik dito.

“I don’t know. Walang sinabi.” Usog ni Damien para makaupo rin si Sebastian.


“Lunch with us?” Aya ni Eze.

“Sure, but I’ll just wait for another 5 minutes or so.” sagot naman ni Damien.

“Alright, we’ll try to get the usual spot but if you don’t see us there, we’re just around the area.” Tinapik ni Kai ang balikat niya at tumayo na, sumunod na rin naman si Sebastian.


Saktong paglingon ni Damien sa bintana ay dumaan sina Nereo at XZ. Nang makita rin ang dalawa ay napalingon ang apat kay Damien na tinitigan lang ang dalawa hanggang sa makalagpas ang mga ito.


“That should be me, holding your hand🎶
That should be me, making you laugh🎶” mapang-asar na kanta ni Skyler sa tainga ni Damien kaya lumingon ito sa kaniya.


“Alam mo maganda talaga ‘yang boses mo. Paalala mo sa akin, papalunok ko sa’yo ‘yung mic mo sa susunod na gig niyo, ah?” sarkastikong saad ni Damien kaya natawa sina Kai at Eze.


“Today’s your lucky day, we have one later.” sagot ni Kai kaya natatawang napailing na lang si Damien.


“You know what? Screw this class. Let’s have lunch.” Aya na ni Damien at lumabas na nga sila at naglakad para hanapin si Seamus.



“There he is.” saad ni Sebastian nang makita si Seamus kasama ang isang babae.


“Let’s go. He’s with Reagan, let him be.” saad ni Eze at naglakad na palayo kaya sumunod sa kaniya ang iba.


Pagkarating nila sa cafeteria ay umorder na sina Kai at Sebastian at naiwan ang iba sa lamesa.


“Should I move on?” biglang tanong ni Damien kaya sabay napalingon sa kaniya sina Eze at Skyler. He just asked out of the blue.


Nagkatinginan muna sina Skyler at Eze at saka nagsalita ang huli.


“Just wait.”


“I know. I want to. And to be really honest... I’m willing to. Pero paano kung naghihintay lang pala ako sa wala?” saad ni Damien at inangat ang tingin kay Eze. Kanina pa ito nasa isip niya. When he saw XZ with Nereo, they seemed happy... she seemed happy. The last thing he’d want to do is to disrupt her happiness and he’s also thinking about himself. Paano nga kung hintay siya nang hintay pero hindi na pala talaga darating ang hinihintay niya?


“Look, Damien. If you think you’re just waiting in vain, then stop.” wika ni Skyler.

“But what if she does come back?” sabat naman ni Damien.

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon