CHAPTER 34

143 97 0
                                    

THIRTY-FOURTH

Pagtapos ng sunud-sunod na tawag sa telepono niya at panay reject sa mga ito ay nagpasya si Skyler na patayin na lamang ang telepono niya. Nakita naman ni Kai ang buong pangyayari kaya tumabi siya sa pinsang mukhang may nangungulit na naman.


“Harper?” pang-uusyoso ni Kai. Skyler on the other hand kept his poker face on. He knows Kai wouldn’t let this go.


“Don’t wanna talk about it.” payak na sagot ni Skyler at iginawi na ang tingin sa harap kung saan pu-puwesto mamaya ang mga pinsan nilang magkakarera.


“Come on, bakit mo ba siya iniiwasan? You’re a good match! She’s fun, full of life while you’re... well, you.” sambit ni Kai na puno pa ng paghanga ang boses habang inilalarawan si Harper ngunit bumaba ang enerhiya nang hindi niya alam kung paano ilalarawan ang pinsang parang pinaglihi sa sama ng loob katulad ng isa pa nilang pinsang si Lucas na laging MIA.


“She’s noisy, irritating, and disorganized.” sagot ni Skyler nang hindi man lang nililingon si Kai.


“She’s also pretty. Very pretty.”


“I’m not interested in the face. I can buy a pretty face if I want to.”


“Then what are you looking for in a girl?” curious na tanong ni Kai.


Hindi na sumagot si Skyler kaya naman mas inilapit ni Kai ang mukha nito sa kaniya. “Grabe? Snob?”


“What are you talking about?” Sali ni Sebastian sa usapan kaya napahinga na lang nang malalim si Skyler. Looks like this conversation isn’t going to end soon.


“Harper and Skyler.” mapang-asar na sagot ni Kai kaya nakisali na si Sebastian sa panunukso.


Oohh... Harper...


Walang sabi-sabi ay naglakad na lang palayo si Skyler mula sa nga pinsang higante na nang-aasar upang lumipat ng puwesto ngunit mas lumala lang ang sitwasyon dahil sumunod ang mga ito sa kaniya at nakuha ng mga ito ang atensyon nina Pete at Sam kaya sumunod din ang mga ito sa kanila.


“What’s happening here?” tanong ni Sam na nakitabi kanila Sebastian at Kaius na pinapalibutan si Skyler.


“Iniiwasan ni Sky si Harper tapos inaasar namin siya. Hehe.” mapang-asar na sagot ni Kaius kaya napatangu-tango si Samuel na mukhang interesado ring kulitin si Skyler.


“So, why don’t you try to work things out with her? She seems like a good person.” wika ni Sam.


“He said, ‘She’s noisy, irritating, and disorganized.’ But I think he’s just making an excuse.” sagot ni Kai kaya napailing na lang si Skyler at napamasahe sa sintido niya.


“I think he’s porque.” ani Sebastian kaya napalingon sa kaniya sina Kai, Sam, Skyler, at maski na Pete na abala sa pagkain sa salami sandwich nito.


“What?” tanong ni Sam na hindi naintindihan ang ibig sabihin ni Sebastian.


“You know, porque—schüchtern... timido.”


“Timido... as in timid?” hula ni Pete, sa gitna ng kaniyang pagkain, na tinangu-tanguan ni Sebastian bilang sagot.


“In what world is timid, ‘porque’?” reklamo ni Kai.


“Why didn’t you just say ‘timid’ in the first place?” reklamo rin ni Samuel.


“I forgot the term, OK?” depensa naman ni Sebastian sa sarili.


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon