CHAPTER 29

186 127 0
                                    

TWENTY-NINTH

Excited na sinalubong ni Mel si Hayden matapos nito makipagkita kay Lucas. Palibhasa’y humingi siya ng pabor sa binatang may lilang mga mata kaya naman ngiting-ngiti niya itong sinalubong pagkabalik nito mula sa building kung nasaan si Lucas.


“Pumayag ba? Pumayag? Pumayag?” makulit na tanong ni Mel kay Hayden kaya napangiti naman ito dahil nacu-cute-an sa kaniya, dagdag pa na nakakapit siya sa braso nito.

“Yes.” nakangiting sagot ni Hayden habang nakatitig kay Mel na ang likut-likot.

“May sinabi ba? Tinanong ba kung para saan?”

“No. He agreed, no questions asked.” sagot naman ni Hayden kaya napatangu-tango si Mel at nakahinga na nang maluwag.

“Why? What’s it for?” tanong ni Hayden nang magsimula na silang maglakad.

Natigilan naman si Mel dahil hindi niya alam kung sasabihin ba niya kay Hayden ang tinatanong nito ngunit sa huli’y nagpasyang sabihin na rin dahil ito rin naman ang koneksyon niya kay Lucas Del Fierro.


Tumingin muna si Mel sa paligid at saka hinila si Hayden sa isang gilid. Nagpahila naman si Hayden sa dalagang hanggang balikat lang niya.


“XZ has been having short-term memory loss and I think... her mom has something to do with it.” halos pabulong na saad ni Mel kaya gulat na napailing-iling si Hayden.

“Mel, we’ve talked about this. That is absurd.” mahinang sagot ni Hayden at akmang maglalakad pabalik sa gusali kung nasaan si Lucas ngunit agad siyang pinigilan ni Mel.

“No, no, Hayden, listen to me. If she really is innocent, then good but what I asked you to do will help us know the truth.”

“Mel, listen to this: You. Are. Accusing. XZ’. Own. Mother. Of. Drugging. XZ. Don’t you hear how ridiculous that sounds?”

“Hayden, if I’m wrong, I can live with that. At least I know that I can trust Monique Martinez. But if I’m right but I didn’t do anything because it’s ‘absurd’ and ‘ridiculous,’ I would never forgive myself.” sagot ni Mel na ginaya pa ang accent ni Hayden sa ‘absurd’ at ‘ridiculous.’

Napahinga na lang nang malalim si Hayden at saka napatingin sa kamay ni Mel na nakahawak sa braso niya. He loves how Mel loves and cares so much about her friends. He still thinks it’s crazy to accuse Monique Martinez of such a thing but he also knows that Mel has a point. At least if they prove that Monique Martinez is not doing anything wrong then Mel would be at peace.


“Alright. Mahlkas kah sah’kin, eh.” nakangiting sambit ni Hayden sa dalaga at saka hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Ngingiti-ngiti namang naglakad na si Mel kaya sumabay na sa kaniya si Hayden.


“How’s Nereo? Madalas na ulit silang magkasama ni XZ, ah? Back to normal na ba siya?” tanong ni Mel pagkatingala sa mukha ni Hayden kaya nakasalubong ng mga mata niya ang lilang mga mata nito.

“Yes, he’s back to the way he used to. And speaking of the devil...” Sumenyas sa isang direksyon si Hayden kaya napalingon doon si Mel at nakita nga sina Nereo, XZ, at isa pang estudyante na hindi nila kilala.


Nang makalapit na sina Mel at Hayden sa mga kaibigan ay napagtanto nilang iniinterview pala si Nereo ng estudyanteng kasama ng mga ito.


“Last na po. What advice can you give that is applicable to everyone?” saad ng nag-iinterview habang binabasa ang tanong na nasa cellphone nito. Nang binalik nina Mel at Hayden ang tingin kay Nereo ay nakita nila itong bahagyang ngumiti habang nakatingin sa lapag. Nang tumingin na siya sa kamara ay ngumiti siya nang maaliwalas.


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon