THIRTY-SEVENTH
Sa hindi malamang kadahilanan ay third-wheeling ang pinagkakaabalahan ni Skyler ngayon. Madalas ay may sarili siyang mundo at abalang mag-aral pero ngayon ay parang ayaw niya munang mapag-isa kaya siguro pinili na niyang sumama kanila Hayden sapagkat ito ang una niyang nakita. Hindi kasama ng mga ito si Liv Villanovo ngayon dahil nasa Singapore daw ito kasama si Wil Wilson para sa A Head Full of Dreams Tour ng paborito nitong banda na Coldplay. May concert din naman ang banda sa Pilipinas ngunit dalawang araw raw ang sa Singapore kaya minabuti na ng dalaga na sa Singapore na pumunta.
“Wala si Skyler?” tanong ni Mel pagka-angat niya ng tingin kay Skyler na nakaupo sa mababang pader sa corridor na nakailang beses ito ng punas ng alcohol kanina. Pinapakita kasi ni Hayden ang mga larawan nila noong isang Halloween Party nilang magpipinsan na nag-crossdress sila.
“He didn’t join. You know him,” sagot ni Hayden at pabiro pang sinungitan si Skyler nang tingnan siya nito kaya naman bahagya itong natawa.
“I wasn’t informed that we were going to crossdress so by the time I was done with schoolwork, all of you were already dressed up and wearing your wigs. I didn’t have time to prepare.” paliwanag ni Skyler na ngayon pa lang narinig ni Hayden. Akala kasi ni Hayden noon ay KJ lang talaga ang pinsan niyang ito kaya hindi sumama sa kanila at wala naman siyang problema kung ayaw talaga ni Skyler sa mga kalokohan nila, lalo na nila ni Kai.
“Why didn’t you ask us to wait for you or to help you?” tanong ni Hayden.
“Mostly because almost all of you were already somewhat drunk by the time I was done and because I realized that I was also tired.” Sky honestly answered.
“I see,” napatangu-tangong sagot ni Hayden at nagpatuloy na sa pagpapakita ng mga larawan nila noong Halloween na iyon.
“Look, here’s Eze!” natatawang wika ni Hayden kaya agad namang tiningnan ng dalawa ang larawan sa screen ng telepono niya.
“OMG. He’s so pretty!” gulat na anang ni Mel. “Is it just me... or he really kinda looks like XZ?”
“Oh, thank God, I thought I was the only one who noticed that.” komento ni Skyler dahil kanina pa nga nakakunot ang noo niya sa larawan ni Eze dahil nakita niya agad na puwede nang pumasang body double ni XZ ang cross-dressed na Eze.
“Really?” tanong naman ni Hayden at hinarap na sa kaniya ang telepono niya. Pagkatapos ng ilang segundo ay unti-unting nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong magkamukha nga sina Eze at XZ.
“Wow, that’s why he looked like a Disney princess! They both look like Disney princesses! XZ looks like a Disney princess, doesn’t she?” tuwang-tuwang wika ni Hayden at saka lumingon sa mga kasama matapos magtanong.
“Which Disney princess?” tanong ni Sky.
“XZ has Merida’s hair color and... Rapunzel’s green eyes.” sagot ni Mel habang iniisip iyon nang mabuti. Napakunot naman ang noo ni Skyler sa narinig. Green eyes?
“Exactly!” Hayden snapped his fingers.
“What are you guys doing?”
Sabay-sabay napalingon sina Hayden, Mel, at Skyler kay Nereo nang bigla itong sumulpot, mukhang wala itong magawa at halatang bahagyang nalulungkot.
“Hindi ka talaga pumunta?” tanong ni Mel na ang tinutukoy ay hindi paghatid ni Nereo kay XZ sa airport. Alam naman nilang lahat na sinabihan ni XZ si Nereo na huwag na siya nitong ihatid dahil sinabi niya iyon sa kanilang lahat. Sabi niya ay malulungkot lang siya kapag hinatid pa siya ng mga kaibigan niya kaya ayos na ‘yong huling paalam nilang lahat sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Lost Stars
Teen Fiction[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older brother, Valentine, XZ is and will never be used to the attention people are giving her but she guesses t...