CHAPTER 26

261 152 0
                                        

TWENTY-SIXTH

Wala sa sariling naglalakad si XZ papunta sa alam niyang huling klase ni Nereo ngayong araw. Isang linggo na niya itong hindi mahagilap. Hindi ito nagre-reply at hindi niya ito naaabutan sa mga klase nito. Ayaw niya sanang mag-overthink at pinipilit niya ang sariling baka abala lang talaga ito ngayon. Nawala siya sa malalim niyang iniisip nang may mabangga siya at nagulat nang makita si Hayden, kasama nito si Kaius.


“Ang daldal mo, may nabangga ka tuloy! Sorry po, Miss—” Nagulat si Kai nang makitang si XZ pala ang nabangga ni Hayden. “Si XZ pala ‘to! Hi, XZ!”

“Oh, hey, XZ!” Bati rin ni Hayden sa dalaga.


“Hi, uhm... have you guys seen Nereo?” tanong ni XZ sa dalawa.

“Nereo? Hmm... the last time I saw him was... last week. He was talking to Luke.” sagot ni Hayden at saka humarap kay Kaius upang hintayin ang sagot nito.


“Oo nga, noon ko rin siya huling nakita. It was odd because... they don’t do that. They never talk to each other.” sagot naman ni Kai na mukhang nagtataka talaga nang maalala niyang nag-usap nga sina Nereo at Lucas. Lahat silang magpi-pinsan ay nagulantang nang makitang magkasama sina Nereo at Lucas noong nakaraang linggo. Since it was a once in a blue moon phenomenon, all of them secretly took a picture of it.


“Maybe you’re wondering why we sound as if it never happens when in fact they are first cousins... it is because it really never happens. We’re not 100% sure what was the reason behind all the cold treatment to each other—as if they don’t exist in each other’s world because clearly, Luke isn’t the type who talks a lot and opens up. In Nereo’s case, we do get along, it’s just that... when it comes to his issue with Luke, he doesn’t talk about it as well.” paliwanag ni Kai. Alam naman ito ni XZ at hindi katulad ng mga pinsan ni Nereo ay alam niya ang dahilan kung bakit hindi nag-uusap ang dalawa dahil sinabi ito ni Nereo sa kaniya.


“Did Nereo disappear after talking to Lucas? Did... Lucas kill Nereo?” gulat na wika ni Hayden nang maisip ang ideyang ito kaya nanlalaking mga mata namang lumingon sa kaniya sina XZ at Kaius.


“Which way is the building of the med students?” natataranta at kinakabahang tanong ni XZ sa dalawang binatang kasama.

“H-Hey, XZ, I was just kidding.” Pagpapakalma ni Hayden kay XZ kaya kahit papaano ay kumalma naman ito ngunit hindi maalis sa utak nito ang sinabi ni Hayden, gano’n din si Kaius. Inside Kai’s head, he knows it’s not impossible for Lucas to be a psychopath.


Napatingin si Hayden sa dalawa nang maisip niyang hindi nga imposible ang biro niya. Pareho sila ng iniisip ni Kaius. They both grew up with Lucas and they both know what he’s capable of doing but they don’t know if he has limits. They don’t know what kind of anger or resentment Nereo and Lucas have for each other, it was not impossible for them to kill each other that night.

Nagulat si Hayden nang pagtaas niya ng tingin niya upang tingnan sina XZ at Kaius ay saktong nagtaas din ng tingin ang dalawa kaya nagkatinginan silang tatlo at nabasa nila ang iniisip ng isa’t isa kaya sabay-sabay silang tumakbo palabas ng building upang hanapin si Lucas.


Napailing-iling si XZ habang tumatakbo’t nag-iisip. Imposible. Imposibleng pinatay ni Lucas Del Fierro si Nereo. Hindi naman siguro aabot sa gano’n ang away nila.


Sabay-sabay ring napahinto sa pagtakbo ang tatlo nang bigla nilang makasalubong si Nereo. Sa sobrang gulat ay hindi kaagad nagproseso sa utak ni XZ ang nangyayari. Nabalik lang siya sa huwisyo nang magsalita si Nereo habang nakatingin sa dalawang kasama niya.


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon