CHAPTER 5

337 189 3
                                    

FIFTH

Kalalabas lang ng building ni XZ nang matanaw niya mula sa ‘di kalayuan si Eze. Nagdalawang-isip siya kung lalapitan ba niya ito o hindi ngunit napadpad din sa kaniya ang tingin nito na agad niyang ikinangiti. Lumapit siya sa binata at napansing nakapormal na kasuotan ito.


“Oo nga pala, ngayon mo mineet sina Dad! Kamusta?” tanong ni XZ na naalalang ngayon nga pala ang sinet niyang petsa upang makausap ni Eze ang mga magulang niya.

“Ah, hindi raw sila available ngayon, eh,” nakangiting sagot ni Eze. Naniningkit ang kaniyang mga mata dahil sa pagngiti niya’t napakamot pa siya sa ulo niya dahil mukhang nagulat si XZ sa isinagot niya.

“Not available? But they said they’ll meet you today,” hindi makapaniwalang sagot ni XZ at binuksan ang bitbit na bag upang kunin ang telepono niya. Balak niyang tawagan ang mga magulang. Malinaw ang sinabi ng mga ito no’ng isang linggo, ngayong araw nila imi-meet ang kaibigan niya.


“I’m so sorry. They really said they’ll meet you today. I’ll call them now,” paghingi ng paumanhin ni XZ at ida-dial na sana ang number ng nanay niya ngunit pinigilan siya ni Hezekiah.


“No, really, it’s okay. I know they’re very busy people. I can still meet them next time,” nakangiting saad ng binata kaya itinabi na nga ni XZ ang telepono niya.


“Are you on your way to the gym?” tanong ni Eze.

“Oo, nandoon na si Wes, eh. Ikaw ba?” sagot ni XZ.

“Papunta rin ako roon. Sabay na tayo,” aya ni Eze at naglakad na nga sila papunta sa isa sa mga gymnasia ng SMU.


Panay ang daldal ni Eze tungkol sa mga pinsan niyang kasali sa basketball team ng SMU at patangu-tango naman si XZ sa kaniya ngunit wala talaga itong naiintindihan dahil naiilang ito sa mga matang nakatingin sa kanila. Parang hindi nakikita ni Eze ang mga matang nakatuon sa kanila habang naglalakad. Kung sabagay, kay XZ naman ang tuon ng mga masasamang tingin. Bakas sa mga mata ng tao ang paghanga habang nakatingin kay Eze ngunit ang mga tingin na ito ay binabalot ng halong galit at panghuhusga kapag kay XZ na ang tuon ng mga ito. Hindi alam ni XZ ang mararamdaman basta’t alam niyang naiilang siya at naguguluhan dahil wala naman siyang ginagawang masama para tingnan nang ganito.


Saktong inihagis ni Damien ang bola papasok sa ring nang pumasok sina Eze at XZ. Pagkalingon niya ay nakita niya agad si XZ kahit pa nasa court siya’t malayo sa kaniya ang dalaga ngunit napahawak siya sa magkabila niyang baywang nang makitang magkasama sina XZ at Eze at mukhang tuwang-tuwa pa si XZ sa lalaki.


“Damien! Saan ka pupunta?” tawag ni Skyler kay Damien nang umalis ito sa court. Umakyat ito papunta kay XZ na nakaupo na, katabi ni Eze.


Napabuntong-hininga’t napailing na lang si Skyler nang makita kung saan papunta si Damien. Tinawanan naman siya ni Seamus na tumabi sa kaniya’t pinanood din si Damien na paakyat kanila XZ.


“Hi,” nakangiting bati ni Damien kay XZ na ikinagulat nito. Napabalik pa ang tingin ni XZ sa court. Sigurado siyang nakita lang niya kanina si Damien doon, paanong nandito na ito ngayon sa tabi niya?


Natatawang napailing-iling na lang si Eze sa nakita’t napatingin kay Seamus na nasa court, pinapanood sila. Patawa-tawa pa ang loko-lokong may lilang mga mata.


Pawisan pa si Damien at hindi halata ngunit medyo hinihingal siya dahil sa pagtakbo mula sa court paakyat kung nasaan nakaupo sina XZ ngayon. Napangiti na lang si XZ at kinuha ang panyo niya. Pinunasan niya ang pawis ni Damien at inabutan ito ng tubig galing sa bag niya na kinuha naman ng binata’t ininom sa harap ni Eze kaya tawang-tawang tumayo ang huli.


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon