CHAPTER 20

247 165 0
                                    

TWENTIETH

Pagkarating nina Hayden at Mel ay umupo ito sa lamesa kasama sina XZ, Nereo, at Kai. Agad na binati ni XZ ang kaibigan na umupo sa tabi ni Nereo na katabi niya.


“I thought Liv’s coming?”


“Akala ko rin kaya lang nahuli kami ng bodyguards niya.” sagot ni Mel pagkasabit ng bag niya sa ilalim ng upuan. Nanlaki naman ang mga mata ni XZ sa narinig. Did Mel do something stupid with Liv?


“Nahuli kayo... ng bodyguards niya?” Ulit ni XZ sa sinabi ni Mel upang magsalita pa ito tungkol dito. Gusto niyang malaman kung may ginawa bang kabaliwan itong si Mel kay Liv.


“Yeah. Hindi na naman kasi siya pinayagan kaya tumakas kami kaya lang nahuli kami ng guards niya.” kuwento ni Mel kaya napahawak si XZ sa ulo niya dahil sa gulat at stress. Pati sina Nereo at Kai ay natigilan at nakatitig lang kay Mel matapos marinig ang sinabi nito.


“Okay... so, in other words... TINAKAS MO ANG ANAK NG BISE PRESIDENTE NG PILIPINAS???” stressed na tanong ni XZ sa kaibigan. Hindi niya alam paanong nandito pa ito ngayon.


“Relax. Liv already explained everything, okay? I’m not in trouble.” Pagpapakalma naman ni Mel kay XZ.

“Relax? If you weren’t caught, they would’ve thought that YOU kidnapped the daughter of Vice President Villanovo. And besides, Liv is only 16.”

“So? I started going to bars when I was 14.” kaswal na sagot ni Mel.

“And you are not a good example.” sagot ni XZ na hindi pa rin makapaniwala kay Mel. Hindi niya lubos maisip kung ano nang nangyari kay Mel kung napagkamalan nga itong dinukot ang bunso’t nag-iisang anak na babae ng bise presidente.


Meanwhile, Hayden’s looking at Mel as if he’s a girl who’s turned on by guys who like to play it rough and that guy right now is Mel.


“I like risky women.” Hayden said with admiration in his eyes. Napalingon si Mel sa kaniya nang marinig ang sinabi niya.


“You like women talaga. Babaero ka, eh.” sagot ni Mel kaya natawa ang mga kasama nila sa mesa pati na ang mga nasa kabilang lamesa na narinig ang pag-uusap nila.


Napatingin tuloy si Kai sa lamesa nilang lima at saka napasimangot nang may mapagtanto.


“5th wheel pa pala ako rito. Bye na nga.” Tayo ni Kai kaya natawa ang mga kasama niya sa mesa.


“Hey, where are you going?” natatawang tanong ni Hayden na sinusundan ng tingin si Kai.

“To my people, the single people.” sagot ni Kai at uupo na sana sa lamesa kung nasaan sina Eze ngunit nakita niya si Damien kaya dumire-diretso na lang siya ng lakad sa lamesa nina Seamus, Samuel, at Pete.


“Are you avoiding Dame?” Kunot-noong bungad ni Sam kay Kai pagkaupo nito sa lamesa nila. Nakita kasi nila ni Seamus kung paano biglang dumiretso si Kai sa lamesa nila nang makita si Damien sa lamesang dapat uupuan nito.


Shh!” saway ni Kai sa mga pinsan pagka-upo.


“I just can’t lie to him now, okay? I can’t console him with lies anymore.” bulong ni Kai at saka uminom.


Sabay namang napalingon sina Seamus at Samuel sa lamesa nina Hayden nang sabay-sabay ding lumingon sina Eze, Skyler, at Damien dito.


“Hey, hottie.” tawag ng isang babae kay Hayden pagkarating nito sa lamesa ng binata. Kumindat pa ito at napakagat sa ibabang labi bago umupo kay Hayden na agad namang napatayo.


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon