TENTH
Hindi alam ni XZ kung ano ang eksaktong mararamdaman pagkapasok niya sa auditorium. She’s nervous, excited, and clueless. There’s a part of her that says she can do this and she wants to do this but there’s also a part of her that says she can’t do this because she can’t even remember that she used to do whatever she’s going to do in here.
“Wala talaga siyang maalala? Kahit ano?” tanong ni Liv kay Mel na narinig naman ni XZ kaya napalingon ito sa kanila. Nakuwento kasi ni Mel na nawala ang mga alaala ni XZ at interesado naman si Liv dito.
“Hindi naman lahat. Based sa nakuwento niya sa akin, last 2-3 years ng buhay niya before the accident ang nakalimutan niya. Sabi niya kilala niya ako pero hindi niya maalalang magkaibigan kami kaya tingin ko naaalala niya ‘yung early part ng first-year niya pero ‘yung mga sumunod... I don’t think so since she can’t remember Damien, she met him just before the 1st semester of her first year ended.”
“Damien?” lingon ni Liv kay XZ, may panunukso sa mukha nito nang makarinig ng pangalan ng lalaki kaya natawa na lang si XZ.
Speaking of Damien, nalaman ni XZ na ito na ang makaka-duet niya. She still doesn’t know what to feel. Pinakita ni Mel ang ilang pictures nilang magkasama ni Damien at halatang may relasyon nga sila pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya ito kasintahan. If she’s going to be honest, she thinks they looked cute together. Gusto pa sana niyang makakita ng ibang retrato nila ng binata pero iilan lang ang sinend niya kay Mel noon at bago ang cellphone niya ngayon kaya wala siyang kahit ano rito. Hindi rin niya maalala ang password sa mga social media accounts niya kaya gumawa na lang siya ng bago.
“What happened?”
Napalingon ulit si XZ kay Liv nang magsalita ito. “What?”
“What happened to you? What kind of accident happened? Were you in a car crash? Did you fall down the stairs? Were you hit by a car?” curious na tanong ni Liv.
Napaisip din si Mel at napatingin kay XZ nang mapagtantong hindi nga nabanggit ni XZ o kahit na ni Monique Martinez ang eksaktong nangyari.
“I... I don’t know,” sagot ni XZ na napaisip na rin. Ano ngang nangyari sa kaniya? Anong klaseng aksidente ang naging dahilan ng pagkawala ng mga alaala niya?
“Your mom mentioned something about... trauma, stress, shock, and... damaged part of the brain? But I didn’t pay much attention to that. Sorry,” saad ni Mel na patanong pa ang ilang sagot.
“XZ!”
Napalingon ang tatlong dalaga sa entablado nang tawagin ni Kurt si XZ kaya tumayo na ang huli.
“I’ll go now,” paalam ni XZ sa mga kasama at pumunta na kay Kurt.
Nagulat sina Liv at Mel nang biglang may umupo sa inuupuan ni XZ kanina mula sa nasa likod na row.
“Hi,” nakangiting bati kay Mel ng binatang may lilang mga mata na ikinangiti naman ng dalaga.
“How long have you been there?” natatawang tanong ni Mel at lumingon pa sa upuan sa likod nila kung saan nanggaling ang lalaki.
“Not that long,” nakangiti ring sagot ng binata at saka nabaling ang tingin kay Liv.
“Oh, this is Liv,” pagpapakilala ni Mel kay Liv.
“And Liv, this is Hayden,” pagpapakilala rin ni Mel kay Hayden. Nagbatian naman ang dalawa at binalik na rin ni Hayden ang tingin kay Mel.

BINABASA MO ANG
Lost Stars
Teen Fiction[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older brother, Valentine, XZ is and will never be used to the attention people are giving her but she guesses t...