CHAPTER 12

286 175 3
                                    

TWELFTH

Lalampasan na lang sana ni Skyler ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa may gilid katulad ng palagi niyang ginagawa dahil wala naman talaga siyang pakialam sa iba ngunit may naulinigan siyang hindi niya nagustuhan.


“I don’t buy that she has amnesia.”

“Yeah, me too. Maybe she just wants attention.”


Napahinto sa paglalakad si Eze nang huminto si Skyler. Hindi niya alam kung bakit ito biglang huminto ngunit pinagmasdan lang niya ito at nakitang nakikinig ito sa pinag-uusapan ng mga estudyante ‘di kalayuan sa kanila.


“Ang arte niya, ha? Nireject niya si Damien Lacerda in front of many people, eh ilang beses na siyang hinarana.”

“Oo nga! If you really don’t like it, why didn’t you say it from the start? Nagpapasikat lang talaga siya.”

“At saka alam niyo ba—”


“Alam niyo ba na gawain talaga ng mga inggitero’t inggiterang tsismoso’t tsismosang pag-usapan ang mga taong kinaiinggitan nila.”


Natigilan ang mga estudyanteng nagtsi-tsismisan nang makisali si Skyler sa kanila. Pati si Eze ay nagulat sa ginawa ng pinsan.


“A girl can reject a guy on his first, third, eighth, twelfth, twenty-fourth day of courtship and it’s none of your business. A girl can reject anyone any time she wants and you can’t do anything about it. Do you know why? Because it’s not your life,” saad ni Skyler sa mga estudyante sa normal na malditong pananalita niya.


“Do you all understand?” tanong ni Skyler at tumangu-tango naman ang mga babae ngunit nanatiling nakayuko ang mga lalaki sa grupo.


Paalis na sana sina Skyler at Eze nang may marinig sila mula sa isang lalaking nasa grupo.


“Okay, gay.”


“Uy, marinig ka.”

“So, what? Totoo naman.”

“Yeah, he’s so prangka.”

“Not just that, he’s also running away from his hot and beautiful fiancée.”

“Sinong lalaki ang gagawa no’n?”


Bumalik si Skyler sa grupo ng mga estudyante at tiningnan nang diretso ang tinitingnan ng mga nagtatawanang estudyante.


“You called me gay?” mahinahong tanong ni Skyler sa isa sa mga lalaki.

“Yes, problem with that?” mayabang na sagot ng lalaki kaya akmang susugurin na ito ni Eze ngunit umawat si Skyler.


“Let me handle this.”


“See? He even needs his cousin to defend hi—” Hindi na natapos ng lalaki ang sinasabi niya nang tumama ang kamao ni Skyler sa pisngi niya. Naramdaman niyang nangilo’t namanhid ang panga niya sa lakas ng suntok ni Skyler. Nagtakbuhan naman ang ibang mga estudyante sa grupo sa takot na madamay.


“I didn’t punch you because I was angry you called me gay. I punched you because I was angry that you used ‘gay’ as if it was an insult,” diretsong wika ni Skyler sa lalaki.


“A gay with decency is a million times better than a guy like you. Remember that,” dagdag pa ni Skyler sa sinabi sa lalaki at saka humarap sa mga taong nasa paligid na nanonood sa kanila. Natakot naman ang mga ito kaya lumayo pa nang kaunti sa kaniya.


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon