THIRTY-THIRD
“Huwag mo ngang kausapin ‘yan, Liv! Hindi na tayo mahal niyan.” ani Mel pagkapasok sa bahay ng magpipinsang Del Fierro, De Valle, at Fraire nang makita si XZ kaya natatawang napailing na lang si Liv na kasabay niyang pumasok at saka niyakap si XZ.
Dalawang araw na ring nililigawan ni XZ si Mel dahil inis pa rin ito sa kaniya na aalis na siya. Inasahan naman na niya ito at hindi naman niya masisi ang kaibigan kung bakit ganito ang reaksyon nito dahil pinangakuan pa niya itong hindi siya aalis ngunit ito siya ngayon, kinakain ang sarili niyang mga salita.
“Mel,” Lapit ni XZ kay Mel habang nakayakap sa kaniya si Liv. Sinubukan niyang abutin ang kamay nito ngunit hindi ito kumibo.
“I’ll come back when I’m better.” Yakap ni XZ kay Mel ngunit inirapan siya nito.
“Babalik daw pero isasama na yung jowa niya ro’n,” wika ni Mel at kumalas sa pagkakayakap ni XZ sa kaniya. Si Nereo naman ay napakagat na lang sa sariling labi dahil sa narinig. Mukhang nagtatampo si Mel dahil sasama siya kay XZ ngunit ito hindi.
“Nothing will change, Mel, I’ll always be your friend.” saad ni XZ kaya sandaling natigilan si Mel. Dahan-dahan itong lumingon sa kaibigan kaya napangiti na si XZ.
“I promise.”
“Talaga? Hindi mo ako ipagpapalit sa mga Amerikana mong friends?” nagtatampo kuno pa ring tanong ni Mel na nakakrus pa ang mga braso.
Bahagyang natawa si XZ at saka umiling-iling bilang sagot, “Never.”
“Hindi nga?”
“Oo nga!” natatawang sagot ni XZ kaya napangiti na rin si Mel.
“Gusto ko tatawag ka, ah? Gusto ko video call.” demanda pa ni Mel.
“Oo naman. I’ll try to call as often as I could kahit pa mapuyat ako.”
“Huwag ka naman magpuyat lagi dahil sa akin, baka mamatay ka pa dahil doon e ‘di kasalanan ko pa.”
“Sira ka talaga,” pailing-iling na komento ni XZ at saka inakbayan ang dalawang malapit na kaibigan.
Niyakap ni XZ sina Liv at Mel kaya sabay-sabay silang nagpigil ng mga luha nila nang nasa bisig na sila ng isa’t isa. It goes without saying that they’re going to miss each other. They were each other’s pillars whenever there was an obstacle they had to get through, no one can take that away from them and no one can place them in each other’s lives.
Gulat na napalingon si Nereo sa gilid niya nang marinig na may suminghot din maliban sa tatlong dalaga. Nagulat siya nang makita si Sebastian. Nang tiningnan niya ito ay napalingon din ito sa kaniya at mukhang nakikidrama nga ito sa mga dalaga.
“I’m also gonna miss you, mein bruder!” Muntikan nang matumba si Nereo nang bigla siyang yakapin ni Sebastian dahil sa laki nito na dumamba sa kaniya.
Nereo smiled and tapped Sebastian’s back to comfort him because he heard him sniffing. “I’m going to miss you too, Seb.”
Natigil ang pagmo-moment nina XZ, Mel, at Liv at nina Nereo at Sebastian nang may pumaradang taxi sa harap ng entrada ng bahay at lumabas dito si Hayden na naka-uniporme ng Sexy Taxi at may Good Morning towel pang nakasabit sa kaniyang leeg.
Nakapamewang na tumigil sa paglalakad si Hayden sa tapat nina Nereo at Sebastian na pinanood pa niyang kumalas mula sa pagkakayakap sa isa’t isa.
BINABASA MO ANG
Lost Stars
Teen Fiction[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older brother, Valentine, XZ is and will never be used to the attention people are giving her but she guesses t...