CHAPTER 3

375 191 25
                                    

THIRD

Bahay ang tawag niyo rito?”


Hindi makasagot ang siyam na nagkukumpulan sa likod. Gulat pa rin sila na ang dalaga ang kasama nila ngayon na sinasabi ni Samuel.


“Bahay tawag niyo rito? Jusko, mansion ‘to, eh!” namamanghang saad ni XZ habang pinagmamasdan ang paligid. Humingi ng tulong sa kaniya ang mg binata sa paglinis ng bahay ng mga ito ngunit sa laki at ganda ng gusali kung nasaan siya ngayon ay nakasisiguro si XZ na hindi lang ito basta bahay kung ‘di mansyon.


“Puwede ba akong maglibot?”

Mabilis namang tumangu-tango ang siyam at naglibot na nga si XZ. Nang makalayo na siya ay nakahinga na nang maluwag ang siyam.


“Come on, guys. Hindi nangangain si XZ,” ani Damien.

“Pero kasi, nakakahiya kaya magpatulong,” sagot ni Eze na sinang-ayunan ng lahat.


“Paano mo naman nasabing marunong siyang maglinis, Sam?” tanong ni Phoenix kay Samuel.

“Yes! Have you seen her hands? They’re so soft! I don’t think she does chores,” dagdag pa ni Hayden.

“Well... ‘cuz she’s a lady?” sagot ni Samuel kaya sinamaan siya ng tingin ng lahat.


“And I can see na galing siya sa mayamang pamilya kaya malamang may mga kasambahay ‘yan. Tama ba, Dame?” lingon ni Kai kay Damien.

“She’s a Martinez, so... yeah. But she knows how to handle household chores,” sagot ni Damien.


“Wait, wait... as in John and Monique Martinez?” tanong ni Sebastian.

“Yup,” tango ni Damien.

“Oh... she’s the child who was raised in the States?” tanong ni Seamus.

“Oh, yeah. Xanthe Zacharie that’s why XZ,” saad ni Skyler Phoenix.


“How come you guys know that kind of stuff?” tanong ni Hayden na clueless sa pinag-uusapan.


“Magbasa ka kasi ng magazine,” sagot ni Skyler. Inabutan ni Lucas si Hayden ng magazine na front cover sina John at Monique Martinez.


Lumapit si Pete sa mga nakakalat na magazines sa lamesa malapit sa kanila kung saan kumuha si Lucas at saka siya kumuha ng food magazine.


“Hey, I do read magazines. How come I haven’t seen this?” sabi ni Hayden na nakatingin sa magazine na inabot sa kaniya ni Lucas.

“You only read FHM, Hayden,” pagsuplong na naman ni Seamus sa kapatid kaya nagtawanan silang lahat.


“Nagbabasa rin naman ako ng magazine at hindi FHM pero hindi ko rin alam,” sabat naman ni Pete.

“You only look at food magazines, Pete,” sagot ni Samuel at tinuro ang magazine na hawak ni Pete. Napatingin naman si Pete sa cover ng magazine na hawak niya at natawa ang siyam sa kaniya. “Good point.”


“Nananahimik si Eze palibhasa wala ring alam,” tawa ni Kai.

Natawa rin si Eze dahil totoo ngang nananahimik siya dahil hindi rin siya maka-relate sa pinag-uusapan nila.


“Ikaw lang siguro ang business student na hindi kilala ang isa sa mga pamilyang well-known sa business,” natatawang sabi ni Kai. Daig pa ni Seamus na engineering student si Eze na mismong business student ngunit wala masyadong background sa successful businessmen and businesswomen.


Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon