SEVENTH
Pagpasok nila sa gym ay maraming tao’t maingay kaya agad hinanap ng mga mata ni XZ si Eze. Hindi naman nagtagal at nakita niya kung nasaan ito nakapuwesto dahil nakatayo pa ito kasama sina Hayden at Kai habang nakaupo na ang iba sa kanila.
“Tara po, nakita ko na sila,” saad ni XZ sa babae at sinamahan na itong maglakad papunta sa mga binata.
“Yaya Payeng!”
“Yaya Payeeeng!”
Napatayo sina Pete, Sebastian, at Lucas nang makita ang tinawag nina Kai at Hayden na Yaya Payeng. Lahat sila ay bumati sa babae at inaya itong maupo.
Si XZ naman ay napatitig sandali kay Lucas Del Fierro. Ito ang unang beses na makita niya ito nang malapitan, walang ibang tao o lamesang nakaharang sa pagitan nila, talagang magkatapat sila dahil sa aisle nakaupo si Lucas na siyang pinakamalapit sa kaniya. Totoo palang walang maipipintas dito. Alam niyang napakatalino nito at ‘di mapagkakaila ang taglay nitong kaguwapuhan.
“Naku, naku, hindi na ako magtatagal. Hinatid ko lang naman dito itong pamalit ni Eze,” sagot ni Yaya Payeng at humarap kay Eze.
“Paano ka magti-training, iniwan mo itong pamalit mo?” sermon nito sa binata kaya napakamot na lang sa ulo ang huli.
“Yaya naman... wala akong training ngayon kaya ko ‘to iniwan. Manonood kami ng game nina Sky ngayon,” sagot naman ni Eze.
“Ha?! Eh, bakit ko pa dinala ‘to?” saad ng ale at pabirong hinampas ang supot sa binata.
“Sige na po, kukunin ko na. Para naman hindi sayang ang pagpunta mo rito,” nakangiti’t natatawang sagot ni Eze.
“Let’s watch, Yaya Payeng,” aya ni Hayden sa babae at ginabayan pa ito papunta sa isang upuan ngunit tumanggi ito.
“Wala akong time magwatch-watch na ‘yan. Naghihintay si Lando roon, siya ang naghatid sa akin. Sabihin niyo na lang kanila Seamus, Sam, at Sky na goodluck, ah?” saad ng babae at tiningnan isa-isa ang mga binata.
“Nasaan si Nereo? Hindi rin siya manonood?”
“Ya, kung may time siyang manood, eh, ‘di sana naglaro na rin siya,” sagot ni Kai.
“Sabagay. O siya, mauna na ako. Pete, dahan-dahan sa pagkain, ah. May pagkain pa sa bahay mamaya,” saad ni Yaya Payeng at naglakad na paakyat upang lumabas ng gym. Sinamahan naman siya ni Eze.
“Bakit hindi ko siya nakita noong pumunta ako sa bahay niyo?” tanong ni XZ sa mga binata habang sabay-sabay nilang sinusundan ng tingin sina Yaya Payeng at Eze na palabas ng gym.
“She didn’t know we were back that time,” sagot ni Hayden kaya napatangu-tango si XZ. Umalis nga pala ang mga binatang ito.
“O, sige. Punta na ako sa upuan namin,” paalam ni XZ.
“Why don’t you sit with us?” aya ni Sebastian.
“We have seats there, I’m with Mel,” sagot ni XZ.
“Mel? Where are you seated?” tanong naman ni Hayden kaya napapantastikuhan siyang tinitigan ni Kai. Nang makita naman ang mukha ni Kai na nakatuon sa kaniya ay siniko niya ito nang mahina upang tumigil ito.
“Right over there,” turo ni XZ sa puwesto nila ni Mel. Nang makita naman ni Hayden si Mel ay napatangu-tango ito kaya tuluyan nang pumunta si XZ sa upuan nila.
“Akala ko na-kidnap ka na, eh,” bungad ni Mel kay XZ pagkaupo nito sa tabi niya.
“What?” kunot-noong tanong ni XZ.
BINABASA MO ANG
Lost Stars
Teen Fiction[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older brother, Valentine, XZ is and will never be used to the attention people are giving her but she guesses t...