Chapter 20

21 4 1
                                    

CHAPTER 20

(Galina's P.O.V)

"PERFECT?" tila naguguluhang ulit ni gwapong zombie sa sinabi ko.

Agad kong itinikom ang nakaawang kong bibig at umiling. "I mean perfect!" Tinuro ko ang booth ng Power Rangers.

Napangiti naman si boy zombie at tumango. "Naku, tama ka, Miss. Perfect talaga ang club namin," sabi niya dahilan para bahagya uling napaawang ang bibig ko. Bumaling siya roon sa lalaking namimigay ng pamphlet ng Power Rangers' club. "Jude, may recruit na ako!"

Naku, naloko na!

"Ah, hindi sa gan_." Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang iginiya na ako ni boy zombie sa tent nila. Nakangiti naman akong tiningnan n'ong babaeng nasa tent.

Nakakasilaw ang kaputian niyong babae at nakakaagaw ng pansin ang matingkad niyang red lipstick sa labi. Nakasuot siya ng puting blouse at black pencil cut skirt na above the knee. Sobrang taas din ng red stilletoes niya. Kung hindi lang dahil sa ID na suot niya ay hindi ko iisipin na estudyante siya tulad namin.

Nagsimula na silang magpakilala sa akin. Napag-alaman ko na si boy zombie pala ang president ng club. Francisco ang pangalan nito pero mas gusto nitong tawagin siya ng Kiko. Si boy kulot naman ay Jude ang pangalan at si ateng maganda ay Cheyenne.

Pilit ang ngiting inilibot ko ang tingin sa tent nila. "Nasaan ang iba?"

"Ano'ng iba?" takang tanong naman ni Jude.

Mahinhin na tumawa si Cheyenne habang nakatingin sa akin. "Kami lang ang members ng club."

"Ikaw naman, Cheyenne, huwag mong kalimutan 'yong isa," sambit ni Kiko, saka bumaling sa akin. "May isa pa kaming kasama sa team kaso hindi siya sumasama sa mga ganitong event."

Lumapit sa akin si Jude. Tiningnan niya ang suot kong ID at binasa ang pangalan ko. "Galina Mercedes... Oh, magka-department pala kayo, Kiko!"

Tumawa nang bahagya si Kiko at nag-unat ng braso na akala mo'y kagigising lang. "That's the reason why I approached her. Unang kita ko pa lang kay Galina, naramdaman ko na ang connection namin," wika niya at saka humikab.

Napairap naman si Jude. "Paano mo nakita eh natutulog ka lang naman kanina sa taas ng puno? Kami ni Cheyenne itong hindi magkandaugaga sa paghahanap ng bagong member."

Naupo si Kiko sa isang monoblock at ipinatong ang mga paa sa isa pa. "Don't overworked yourselves, guys. Mas prefer ko pa rin na kaunti lang tayo sa team."

Tinitigan ko si Kiko. Sobrang gwapo talaga niya. Parang gusto ko siyang gawing model character sa isang nobela. Sa anong genre kaya? Romance? Pero pwede rin siya sa action.

"Seryoso ka ba, Kiko? Nakalimutan mo na ba na ma-di-dissolve itong club natin kapag wala tayong ma-recruit ngayong sem," tila inis nang sabi ni Jude kay Kiko dahilan para matigil ako sa pag-i-imagine ng mga scene kung saan naroroon si Kiko.

"Nandito na si Galina. Problem solved," nakangiting sagot ni Kiko kay Jude.

Halos sabay-sabay silang tatlo na bumaling sa akin. Napangiwi ako at pilit na ngumiti.

"Pasensya na ha? May ibang club na kasi akong gustong salihan," I said with a sense of guilt.

Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin subalit binasag iyon ng naiilang na tawa ni Jude. Nakokonsensya ako.

"It's okay," si Kiko.

Naiilang ko silang nginitian bago ako muling naglakad paalis ng tent nila. Subalit hindi pa man ako nakakalayo ay narinig kong nagsalita si Jude.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon