Chapter 2

65 9 7
                                    

CHAPTER 2

(Galina's P.O.V)

IT'S the end... That's what I really thought. But thank God, mali ako! I'm alive!

"Hay, naku! Diyos ko!" Rinig kong sabi ng matandang babaeng nakaupo sa harapan ko habang nakadungaw sa bintana ng bus.

I immediately removed my headset and listened to them. Tumingin na rin ako sa labas ng bintana at nakiusyoso.

There were lots of police mobile at the side of the road. Parang pininturahan ng dugo ang kalsada dahil sa dugong nagmumula sa katawan ng mga biktima ng malagim na aksidente. Isang lalaki at isang babae. Parehong mga estudyante. Magkaangkas ang mga ito sa isang motorbike. Muntik nang sumalpok ang mga ito sa amin subalit nang iwasan nila ang bus namin ay nasagasaan naman ito nang kasunod nitong truck na mabilis din ang takbo.

I know I should consider myself lucky for escaping death once again but I don't feel that way at all. I don't feel bad for those  victims but I don't feel good as well. What's wrong with me? Am I even human?

Death. Why do people fear death so much when it can be the best reward for those who suffered. Kung patay na sila, they will no longer feel pain and be at peace forever. They're free from the unfairness of this cruel world. How lucky.

*****

IT WAS already past four nang makarating ako sa Duncan Mills. Mabuti na lang medyo gumaan ang traffic kaya kahit nagkaroon ng kaunting disruption sa biyahe kanina medyo tama pa rin sa oras ang pagdating ng bus namin sa terminal.

The first thing I did was to look for an apartment but unfortunately occupied na lahat ng napagtanungan ko. Hotels would be more accommodating kaso mukhang hindi siya afford ngayon ng budget ko lalo pa't hindi pa ako sigurado kung hanggang kailan ako rito. So, in the end, I've decided to rent a room in a boarding house.

The house is cozy. Okay na rin. Yon nga lang may mga makakasama akong strangers. Beggars can't be choosers kaya wala akong magagawa.

After kong maayos ang mga gamit ko sa kwarto lumabas muna ako para maglibot-libot. Nabanggit sa akin ni Mimi, isa sa mga boarders, na may amusement park malapit dito kaya iyon agad ang hinanap ko. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon.

Hindi pa man ako nakakapasok ay rinig ko na ang sigaw ng mga taong nakasakay sa mga nakakatakot na rides.

Una kong hinanap ang nagbebenta ng cotton candy. Ito kasi ang isa sa mga paborito ko sa amusement park.

Habang kumakain ng cotton candy, naagaw ang atensyon ko ng mga taong nagsisigawan habang nakasakay sa vikings. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin 'yong feeling kapag nakasakay ako riyan. It was memorable because those were the times na kasama ko pa si Papa. He always holds my hand sa tuwing nakikita niyang natatakot na ako.

I suddenly felt the urge to try that ride once again. I want to feel the same excitement again.

"Gala! Panahon na para subukan mo siya ulit!" I murmured and laughed.

*****

"KUYA! I want to eat cotton candy!" sigaw ng anim na taong gulang na si Chary sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Richard na abala naman sa pagkuha ng litrato sa mga taong sakay ng mga rides.

"Sweets are not good for your teeth, Chary. Remember what Doc Paula said? No more sweets or else the worms will eat your teeth," tugon ni Richard sa kapatid na nagsisimula nang umiyak.

"I want cotton candy!"

Napailing-iling si Richard. Isinabit niya sa kaniyang leeg ang chord ng kaniyang camera at binuhat ang umiiyak nang kapatid.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon