Chapter 18

21 5 6
                                    

CHAPTER 18

(Galina's P.O.V)

PADABOG kong ibinagsak sa kama ang cell phone ko. Kanina pa ako nag-me-message kay Chad pero ni isa sa mga message ko wala pa rin siyang binabasa. Ano kayang ginagawa niya?

Nagpagulong-gulong ako sa kama habang binabalot ang sarili sa kumot dahilan para magmukha akong isang malaking cocoon. No, isang malaki at cute na cocoon. Nabuhayan ako nang biglang tumunog ang cell phone ko. Nagmamadali akong gumulong ulit para maalis ang kumot sa akin at excited na dinampot ang cell phone. Subalit ang excitement na nadarama ko ay kaagad na napawi nang matuklasang si Mandy lang pala ang tumatawag.

[Gala, sorry,] bungad ni Mandy nang sagutin ko ang tawag.

"Sorry? Para saan?" naguguluhan kong tanong.

[Nakalimutan kong ako nga pala ang naka-schedule sa groceries ngayon. Hindi pa ako nakakabili eh. Nag-lunch ka na ba? Halos wala na kasing laman ang ref. Hindi rin ako sure kung may mga natira pa tayong delata. Naku! Pasensya na talaga. Di bale after ng meeting ko with my client, bibili ako agad.]

Natawa ako nang kaunti at napailing-iling. Iyon lang pala. Akala ko naman kung ano na. "Huwag mo akong alalahanin, Mandy, kaya ko ang sarili ko."

[Sorry talaga, Gala, ha? Aii! Wait! Nandito na si Mr. Gordon. Mamaya na lang.]

"Okay, goodluck!" sabi ko subalit mukhang hindi niya na narinig dahil binabaan niya na ako.

Dumapa na ulit ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nag-iisip kung ano ang magandang gawin. Sobrang bored na kasi ako. Gusto ko sanang pumunta kina Chad pero siyempre kahit papaano ay may kaunting hiya pa rin naman ako sa katawan. Ayokong maumay sa pagmumukha ko sina Tita Cora at Chary.

Sa huli, kinuha ko ang aking laptop at nagpasyang manood na lang ng kung anu-anong video online. Iba-iba ang mga nakita ko hanggang sa nakuha ang interes ko ng isang mukbang video.

Hindi ko maiwasang maglaway at matakam habang nanonood. Bawat tunog ng malulutong na nguya niyong lalaki sa video ay literal na nagpapakulo sa tiyan ko.

"Panahon na para ako naman ang mag-mukbang!" Isinara ko na ang laptop, saka bumangon at diretsong nagtungo sa kusina kaso nang buksan ko ang refrigerator, saka ko lang naalala na hindi nga pala nakapag-grocery si Mandy. However, I still tried to search every part of the kitchen but to my dismay kahit alikabok wala akong nakita. Napatingin ako sa pinaka huling cupboard na hindi ko pa nabubuksan. Napapikit pa ako at napausal ng maiksing prayer bago iyon tuluyang binuksan. Natutop ko ang aking bibig nang bumungad sa akin isang malaking garapon na naglalaman ng hindi pa lutong popcorn. Muntik na akong mapatalon sa sobrang tuwa. Sobrang gutom na ako at kahit ano talaga ay handa akong kainin.

Dahil sa wala akong alam sa kusina, mabilis kong hinanap sa internet kung ano'ng mga sangkap ang kailangan sa pagluluto ng popcorn at nang makita ko na, na-realize ko na sobrang dali lang pala niyang lutuin! All I need is oil and salt or any flavorings.

Nang maihanda ko na ang lahat ng gamit na kakailanganin ay sinimulan ko na ang pagluluto. Nagbuhos ako ng kalahating bote ng cooking oil sa kawali pagkatapos sunod ko namang ibinuhos ang lahat ng popcorn na laman niyong malaking garapon. Hindi ko mapigilang ma-excite dahil ito ang unang pagkakataon na magluluto ako nang mag-isa lang sa kusina. I feel so independent! Pwedeng-pwede na akong mag-asawa!

"Hmmm... I can smell success! I'm so proud of you, Gala! Finally, you can live on your own!" bulalas ko habang inaamoy ang singaw sa kawali. Kinuha ko ang sandok at nakangiting hinalo-halo ang popcorn. Pagkaraan ng ilang sandali, may narinig akong mahinang tunog at sinundan iyon ng isang maliit na puting bagay na lumipad mula sa kawali.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon