Chapter 52

3 2 0
                                    

CHAPTER 52

(Galina's P.O.V)

PASADO alas tres na ng madaling araw pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. I covered myself with a blanket and closed my eyes. Hoping na makakatulong iyon para antukin ako.

Lumipas ang ilang minuto subalit gising pa rin ang diwa ko. I turned to get up. No matter how hard I try, Chad never leaves my mind.

Muling rumehistro sa utak ko ang imahe niya habang suot ang damit pangkasal na iyon. How I wish I could see him wearing that on our wedding day. Kaso mukhang imposible nang mangyari iyon.

Kanina sa shop, sa huling pagkakataon I tried to asked him to marry me. But he didn't gave me a reply. I wasn't surprised though.

Nakapanghihina ng loob. Nakakapanghinayang. Mahal naman namin ang isa't isa at tanggap din na naman ang relasyon namin ng mga pamilya at kaibigan namin... Pero bakit ang hirap pa rin maging masaya?

Umiling ako para palisin ang mga gugumugulo sa utak ko.

I decided to go out of my room to drink water in the kitchen. Nasa kusina na ako nang marinig kong tumunog ang rocking chair ni Lolo sa balcony. May kakaibang kilabot na gumapang sa buong katawan ko.

"Maybe it's just the wind." Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at pilit na pinalis ang mga kababalaghang nagsisimula nang pumasok sa utak ko. Siguro epekto lang ito ng pagsusulat ko ng mga nakakatakot na kwento noon.

Pabalik na ako sa silid nang bigla ko na namang narinig ang kakaibang tunog na iyon. Napako ako sa kinatatayuan ko habang patuloy na pinakikinggan iyon. Hindi basta hangin iyon. May nakaupo sa rocking chair ni Lolo. Sigurado ako.

I'm not the type of person who believes in ghosts but I can't explain the nervousness I'm feeling right now. I feel like any moment, some kind of creature will suddenly appear in front of me. Isa pa sa pinag-aalala ko, kung hindi multo ang nasa balcony, baka pinasok na ako ng magnanakaw.

Unti-unti akong humakbang palapit sa pinto nang muli na namang umingit ang yari sa kahoy na rocking chair ni Lolo. Nang makalapit sa pinto ay inilapat ko ang tainga ko roon at pinakinggan ang nasa labas.

Mahigpit akong napahawak sa seradura. Iniisip kung bubuksan ko ba iyon para tuklasin kung sino o ano ang nasa labas.

Pero paano kung si Lolo ang makita kong nakaupo roon? Should I hug him? Or should I shoo him away? Wait! It can't be him! I was there nang ilibing siya! He's supposed to be in the cemetery!

Tinapik-tapik ko ang magkabila kong pisngi. Come on, Gala! Get a grip of yourself.

Sa huli, nagpasya akong bubuksan ang pinto. Maingat kong pinihit ang knob at bahagyang binuksan na iyon. Sumilip ako sa maliit na siwang.

"Chad?!" gulat kong bulalas nang makita si Chad na nakaupo sa upuan ni Lolo. Binuksan ko na nang maluwag ang pinto at nakaawang ang bibig na lumapit sa kaniya. "What are you doing here. At paano ka nakapasok?" Tinanaw ko ang mababa naming gate. Sigurado ako na ni-lock ko iyon bago pumasok ng bahay.

"I climbed up," tipid na tugon ni Chad, saka isinandal ang likod sa upuan. "I can't sleep."

"Then, sana tumawag ka para naman napapasok kita sa bahay. Ang lamig, lamig dito sa labas."

"Ayokong abalahin ang pagtulog mo. Ikaw ba? Bakit gising ka pa?"

Napabuntonghininga ako. "Hindi rin ako makatulog."

Tumango siya. A few minutes of silence intervened between us before he speaks again.

"Should we head back home then?" Nag-aalangan siyang tumingin sa akin.

"Can't we stay here a little bit longer?" nag-aalangan ding suhestiyon ko sa kaniya.

*****

PAREHO kaming tahimik ni Chad habang nasa biyahe pabalik ng Duncan Mills. Nagkasundo kami na umuwi na lang. Bakit? Kasi mukhang natakot siya na baka may gawin ako sa kaniya kapag nagtagal pa kami sa bahay ng kaming dalawa lang. Akala niya naman pipikutin ko siya.

Nilingon ko siya mula sa passenger seat. "Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ko pagkatapos, kong i-check ang oras. Mag-a-alas-cinco na ng umaga.

Ramdam ko na ang pamimigat ng talukap ng mga mata ko at panaka-naka na rin ang akong napapahikab.

"Just sleep, Gala. Gigisingin na lang kita kapag dumating na tayo," sabi niya habang nakatuon ang mga mata sa daan.

Tumango na lamang ako dahil hindi ko na rin talaga kaya pang labanan ang antok ko. Bumaling na ako sa bintana ng kotse at nakapikit na isinandal ang ulo ko roon.

*****

NAALIMPUNGATAN ako nang bigla na lang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng suot kong itim na hoodie. I saw a text from Mandy pero hindi ko na muna iyon binasa.

Napagtanto ko na nasa garage na pala kami ng condo residential complex nina Mandy. I turned to Chad next to me and saw him asleep.

"Siguro kanina ka pa inaantok sa biyahe," mahina kong sabi pagkatapos, tinitigan siya nang maigi. I leaned closer to him and studied every details of his face. Natukso akong halplusin ng daliri ang mahaba niyang pilikmata. Nang bumaba ang mga mata ko sa labi niya ay wala sa wisyong inilapat ko ang mga labi ko roon.

Nagulat ako nang bigla siyang dumilat kaya mabilis kong inilayo ang mukha sa kaniya. Sandali siyang kumurap-kurap bago tumingin sa akin. "Kanina ka pa ba gising?" Again with his very cold tone.

Umayos ako nang upo at bahagyang inayos ang naka-bun kong buhok. Dati ko naman siyang ninanakawan ng halik pero ewan ko ba't bigla akong nakaramdam ng hiya ngayon.

"Kagigising ko lang din," nakayuko kong sabi.

I waited for his response pero nanatili siyang nakatitig lang sa akin. Unti-unti akong bumaling sa kaniya at sinalubong ang mga mata niya. Habang tumatagal na nakatitig kami sa isa't isa, palakas din nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Napalunok. I think he's mad dahil sa ginawa kong paghalik.

"P-papasok na ako sa loob. Thanks for the ride," nauutal at mabilis kong sabi pagkatapos, lumabas na ako ng sasakyan.

I was close to the entrance when I heard him called my name. I looked back and saw him standing outside his car with a very serious look in his face.

Frustrated akong napabuga ng hangin. "Seriously? Plano mo talaga akong pagalitan dahil sa nakaw na halik na 'yon? Hindi ba pwede palampasin mo na lang iyon?!" nakasimangot at nanginginig kong sabi. Natigilan siya at napakunot. "Fine! I'm sorry for kissing you without your permision_." Natigilan ako nang magsalita siya.

"I know this is selfish pero..." Bumuntonghininga siya pagkatapos, sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi. "Pakakasalan kita."

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon