Chapter 48

2 2 0
                                    

CHAPTER 48

(Galina's P.O.V)

NAIINIS kong ipinatong sa bedside table ang hand mirror na hawak ko matapos kong tingnan ang anim na walang hiyang tigyawat na tumubo sa ilong at mga pisngi ko. Naniniwala ako na malaki ang kinalaman ni Chad sa trahedyang nangyayari ngayon sa mukha ko.

Since there was nothing to do, I just sat on my bed and ate the potato chips Kiko and I bought this afternoon. Nahihiya ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ako aarte nang natural bukas kapag nagkita kami. Bakit ba kasi hindi ko napigilang umatungal sa harapan niya?

Napalingon ako sa pinto nang bigla iyong bumukas. Napangiti ako nang sumilip doon si Mandy.

"Gala, seriously?" Bahagya siyang napakunot dahil sa kadiliman na unti-unti nang bumabalot sa kwarto ko. "Why are you hiding in the dark? At saka it's almost six pm. Hindi ba't may pasok ka ngayon?" she said before turning on the light.

"Hayaan mo na, Mandy. Minor subject lang naman iyon, saka mabait ang prof ko ro'n. Hindi niya ako ibabagsak."

Sandali pa niya akong tinitigan pagkatapos nagpakawala siya nang mahinang buntonghininga. Bumaling siya sa nakasarang bintana at muli na namang nagbuga ng hangin. Binuksan niya iyon at mukhang doon niya naman planong ibuhos ang frustrations niya sa 'kin ngayon.

"At bakit nakasara ang mga ito? Paano mapapalitan ang hangin dito sa kwarto mo?"

Sandali akong natigilan sa sinabi niya pagkatapos, natawa. "Mandy, we’re breathing the same air. Pareho lang 'yong hangin sa kwarto mo sa hangin dito sa room ko."

Imbes na sagutin ako ay mas lalo niya lang akong sinimangutan. "Gosh! Kailan ka ba mag-ma-mature? Malapit na kitang ibalik sa Kuya Hiro mo," panay ang litanya niya habang pinupulot naman ngayon ang nagkalat kong notebooks sa sahig. "And for God's sake! Maglinis ka nga ng kwarto!"

I let out a sigh. I feel like a parasite. I closed my eyes and took a deep breath. I can't stay like this.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran. "Sorry na, Mandy. Sige na, aayusin ko na ang kwarto ko."

Huminto siya sa pagkilos. Muli siyang bumuntonghininga. "Not just your room, Gala. Fix yourself too."

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya at tumango.

Humarap siya sa akin at hinawi ang buhok ko na bahagyang nakatakip sa mukha ko. "I heard what happened," malungkot niyang sabi.

Malungkot ko siyang nginitian. Sigurado ako na si Tita Cora ang nagsabi sa kaniya. I hope okay na sila ni Chad. Last time kasi na nagkausap kami sa phone, ang sabi niya hindi siya gaanong kinakausap ni Chad. Masama raw ang loob nito sa ginawa niyang paglilihim sa tunay na estado ng kalusugan nito.

"I know you're hurting right now and nalulungkot ako sa nangyayari sa 'yo. Ayokong nasasaktan ang kaibigan ko pero gano'n pa man, hindi ko rin magawang magalit kay Chad lalo pa't alam kong kapakanan mo lang ang iniisip niya."

Nanunubig ang mga matang nginitian ko siya. "Ako ba naiintindihan niyo?"

Pinahid ni Mandy ang butil ng luha na pumatak sa pisngi ko. "May rason, Gala, kung bakit hinayaan ng Diyos na magkakilala kayo ni Chad. At sigurado rin ako na may mas maganda Siyang dahilan kung bakit ka Niya inilalayo na ngayon sa kaniya," wika niya habang hinahaplos ang braso ko.

Napahawak na lamang ako sa kamay niya at malungkot na ngumiti. Nauunawaan ko ang ibig niyang sabihin pero may malaking bahagi sa puso ko na ayaw tanggapin ang mga salitang iyon. Hindi ko na makita ang sarili ko na hindi na si Chad ang lalaking makakasama ko. Gusto ko siya. Siya ang kailangan ko.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon