Chapter 53

3 2 0
                                    

CHAPTER 53

(Galina's P.O.V)

I FROWNED as I felt the sunlight shinning down my face. I fumbled in bed to look for some pillows that I could use to cover my face. When I got one, I immediately grabbed it and buried my face in it. Gusto ko pang matulog!

Despite the drowsiness, my face immediately lit up when this familiar song echoed inside the room—All my life by America. Ever since that special day, it became my all-time favorite.

I slowly opened my eyes and scanned the entirety of the room. Sa dulo ng kama, natagpuan ko ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng asking puso. My Chad. My Richy. My companion. My husband.

It's already been five and a half months since we got married pero hindi pa rin siya nagsasawang panoorin ang video ng kasal namin. Parang naging parte na ng daily routine niya ang panoorin iyon bago simulan ang araw niya.

Pupungas-pungas akong gumapang sa kaniya at yumakap mula sa likuran.

"Good morning," he greeted as he gently touched my arms that were wrapped around his waist.

I looked at him and saw his eyes still on the laptop screen in front of him.

"Hindi ka ba nagsasawang panoorin 'yan?" inaantok kong tanong.

He chuckled. "Why would I? Ang ganda mo kaya rito."

Kinilig naman ako at natawa. Napatingin na rin ako sa laptop nang marinig na nasa part na ito ng pagpapalitan namin ng wedding vows.

Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng kapit ni Chad sa mga braso ko. "I still find it hard to believe that we're finally married."

"I don't," humihikab kong sabi pagkatapos, ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya. "Unang beses pa lang na pagtama ng mga mata ko sa 'yo, alam ko nang sa akin ka."

Natawa siya. "Alam mo kung naging lalaki ka, marami kang babaeng mabobola."

Natawa rin ako. "Alam mo kung naging babae ka, sobrang suplada mo. Matatakot lahat ng lalaki na manligaw sa 'yo dahil ang sungit mo," balik ko sa kaniya.

"So, hindi mo ako liligawan kung naging babae ako at lalaki ka?"

Nakangiti kong kinurot ang pisngi niya. "Sa tingin mo mag-asawa na kaya tayo ngayon kung umubra sa akin ang kasungitan mo? And for the record Mister Dela Merced, sa ating dalawa ay ako po ang nanligaw sa 'yo kahit na ako itong babae."

Ngumiti siya subalit naramdaman ko ang pananamlay niyon. "Hindi ka ba natatakot?" mahina niyang tanong bigla.

There he goes again.

"Hindi."

"What if dumating na 'yong pagkakataon na kailangan na kitang iwan?"

"Then, I'll follow you."

"Gala!" Marahas siyang bumitaw sa akin at nakakunot na humarap.

Ngumuso ako at sinundot-sundot ang pisngi niya. "Nagbibiro lang ako," sabi ko ngunit walang naging pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya.

"Ipangako mong magiging okay ka kahit wala na ako." Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya at mataman akong tinitigan sa mga mata.

Nakangiti ko siyang tinanguan. "Iyan ang binitiwan kong pangako sa 'yo noong kasal natin. I will continue my life kahit hindi na kita kasama. Nakangiti kong haharapin ang bawat bukas kasi kahit wala ka na physically sa tabi ko, hinding-hindi ka naman mawawala rito sa puso ko. Mananatiling buhay ang alaala mo sa utak ko at tanging sa 'yo lang ang pusong 'to."

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon