Chapter 49

3 2 0
                                    

CHAPTER 49

(Richard's P.O.V)

"SALAMAT, Kuya Richard."

Nilingon ko si Jackie. Magkatabi kaming naglalakad palabas ng Engineering building. Matipid na ngiti na lamang ang itinugon ko sa kaniya. "Medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayong may napagsabihan na ako ng nararamdaman ko."

"I'm glad to hear that."

"Secret lang natin 'yon, ha? Medyo nag-aalala kasi ako kina Kuya Kiko at Kuya Jude... Ang daldal ng mga 'yon eh."

Natawa ako nang mahina. "Do you really think I have a big mouth?"

"May point ka." Tumawa rin siya at saka napatango. "Alam mo Kuya, naiinggit ako sa inyo ni Ate Gala."

"Huwag kang mainggit. Soon just like Mumu_."

"Huwag niyong sayangin ang mga oras na magkasama pa kayo," putol niya sa sinasabi ko. Sabay kaming huminto sa paglalakad. My eyebrows snapped together after hearing what she just said. "Sorry, ha? Nandoon din kasi ako sa coffee shop noong... Hmmm... Alam mo na." Nahihiya siyang ngumiti at napakamot sa ulo.

"You heard everything."

"Ayokong matulad kayo sa akin. Huwag niyo sana hayaang may pagsisihan kayo sa huli." Tinapik niya ako sa braso at ngumiti. "Sige na, mauna na ako sa 'yo," paalam niya, saka nauna nang lumabas ng building.

Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang mga sinabi ni Jackie. Huwag kong hayaan na may pagsisihan ako sa huli? Is she indirectly saying na nagkamali ako ng desisyon?

Napahinto ako sa pagmumuni-muni nang may nakabangga akong tao. Saka ko napagtanto na nakalabas na pala ako ng Engineering building.

Nilingon ko iyong nakabangga ko at ganoon na lang ang pagtahip ng dibdib ko nang makitang si Gala pala iyon.

Bagama't nakakubli ang mukha dahil sa cap at facemask na suot, nakilala ko pa rin siya. Hinding-hindi ako magkakamali dahil kilalang-kilala ko na ang malalaki't bilugang mga mata iyon.

Sandali kaming nagkatitigan bago siya muling naglakad palayo. She's still mad, I know that.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang masipa ko ang isang kulay itim na wallet sa kinatatayuan ko. Napapikit ako at napabuntonghininga. Wallet iyon ni Gala.

Ayaw ko man, napilitan akong sundan siya para isauli ang wallet niya.

Tinawag ko siya pero imbes na lingunin ako, mas binilisan pa niya ang paglalakad. Wala akong ibang choice kundi habulin siya.

"Gala, sandali!"

Napasimangot ako nang tumakbo siya at humalo sa dagsa ng mga estudyanteng lumalabas mula sa gymnasium.

"Gala, stop running!" Nakipagsiksikan ako sa mga estudyante.

"Stop following me!" sigaw niya. Pilit niyang isinisiksik ang sarili sa dumadagsang mga estudyante pagkatapos, paminsan-minsang lumilingon sa akin sa pangamba na maabutan ko siya.

"Gala, pwede ba?! May ibibigay lang_."

"Ibibigay?! Ano? Sama ng loob?! Naku, Chad, pwede ba? Kotang-kota na ako diyan!"

Nagpatuloy siya sa pag-iwas sa akin hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Sa isang iglap, umalingawngaw ang isang malakas na tili. Kasunod niyon ang malakas na sigawan at singhap ng mga estudyante sa palibot ko.

"Iyong babae!"

"Hala, na-shoot si Ate sa hukay!"

"Tulungan niyo! Kawawa naman!"

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon