Chapter 50

3 2 0
                                    

CHAPTER 50

(Richard's P.O.V)

MABILIS na bumukas ang pinto ng condo unit ni Mandy nang pindutin ko ang doorbell.

"Thank God, you’re here!" stress na stress na bulalas ni Mandy nang makita ako. Nakadamit pantulog na ito at gusot ang nakataling buhok.

"Bakit? Ano ba ang problema? May nangyari ba kay Gala?" sunod-sunod kong tanong na agad niya namang sinagot ng pag-iling.

Nangingiti siyang ng napatingin sa suot ko. Saka ko lang na-realize na hindi ko pala napalitan ang suot kong pajamas dahil sa pagmamadaling makapunta rito. Tumikhim muna siya bago muling nagsalita. "Lagi namang may nangyayari sa babaeng 'yon," she murmured. "Come in."

Pareho kaming napangiwi at bahagyang napapikit nang umalingawngaw ang boses ni Gala sa microphone. Hindi ko matukoy kung kumakanta ba siya o nagdedeliver ng declamation. One thing is clear, masakit sa tainga ang boses niya.

"Simula nang umuwi siya iyan na ang inatupag niya. Okay lang naman sanabkung maaga pa kaso lang, Chad, tingnan mo naman kung anong oras na. Malapit na akong ireklamo ng mga kapitbahay dahil sa ingay niya," reklamo ni Mandy.

Naabutan namin si Gala sa salas na nakatayo sa ibabaw ng sofa hawak ang microphone habang bumibirit. Napalingon siya sa direksyon namin at agad na sumimangot nang makita ako. Obviously, she's not happy to see me.

Ilang sandali lang, naiiling niyang ibinalik ang atensyon sa t.v. at ipinagpatuloy ang pagkanta niya. Kung pagkanta nga ba talagang matatawag iyon.

"Gala, nandito si Chad!" sigaw ni Mandy na tila ba nakikipagkompetensya sa lakas ng boses ni Gala.

Hindi siya pinansin ni Gala at nagpatuloy lang sa pagkanta.

Napairap si Mandy. Dire-diretso niyang tinungo ang likod ng t.v. at binunot ang plug nito sa saksakan.

"Mandy! Why?!" Padabog na ibinagsak ni Gala ang sarili sa sofa habang masama ang tingin sa kaibigan.

"I know that you guys know that I was kinda against with your relationship before. At nang nalaman kong naghiwalay kayo I really thought it was for the best..." Seryosong tiningnan ni Mandy si Gala. "But seeing you like this..." She shook her head and sigh. "This is not you, Gala. I know you're crazy pero malala ka na, friend. Mag-usap kayo ni Chad. Ayusin niyo ang dapat niyong ayusin."

Nagkatinginan kami ni Gala.

"Mag-usap kayo nang maayos," dagdag ni Mandy. Binigyan niya ng diin ang huling dalawang salitang sinabi.

"Wala naman akong sasabihin sa kaniya." Umismid si Gala, saka pinagkrus ang mga braso.

Tiningnan naman ako ni Mandy. "Talk to her, Chad. Alam kong mahihirapan kang kausapin siya nang matino because she's mentally unstable right now pero please, do your best... Baka dalawa kaming mabaliw dito sa condo kapag hindi pa siya bumalik sa normal." She patted my arm before walking straight to her room.

*****

MALAMIG ang ihip ng hangin at nagtatago sa likod ng makapal na ulap ang buwan at ang mga bituin. Tila ba nakikiayon ang kalangitan sa kalungkutang nararamdaman namin ni Gala.

Nang iwan kami ni Mandy, napagpasyahan namin ni Gala na maglakad-lakad muna sa labas upang magpahangin at para na rin makapag-isip-isip.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, huminto kami sa isang playground at doon nagpahinga.

Lumapit ako sa slide at naupo sa dulo nito.

"Nakapag-isip-isip ka na ba?" tanong ni Gala. Nakaupo siya sa swing hindi kalayuan sa akin at mabagal na idinuduyan ang sarili.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na isagot sa kaniya. Magulo pa rin ang isip ko.

"I'm sorry." Ang mga salitang 'yan ang tanging lumabas sa bibig ko.

Tumango siya. "Okay, and then?"

Ipinahinga ko ang mga siko ko sa mga tuhod at pinagsiklop ang mga daliri.

"I know I was harsh that day. Alam kong nasaktan ka dahil sa mga sinabi ko. I'm really sorry."

"Sinasabi mo ba sa akin 'yan para makipagbalikan o para lang pagaanin 'yang nararamdaman mo?" tanong niya. Tumingala siya sa langit at bumuntonghininga nang hindi ako sumagot. "You're hopeless."

"I'm sorry."

Mapait siyang ngumiti pagkatapos, umiling. "I don't want to hear your apologies, Chad. I don't need them." Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata niya. "What I want right now is you. I need you back."

Umiling-iling ako. "Alam mong hindi pwede. I'm dying_."

"Don't give me that s**t, Chad! Sawang-sawa na akong marinig ang excuse na 'yan. Ever since you've got that cancer, you've been predicting your future instead of creating them!” Huminto siya at mabigat ang hiningang yumuko. "I don't care if you're dying, okay? Wala akong pakialam kung balang araw maiiwan akong mag-isa. Huwag mo akong alalahanin kasi hindi na ito bago sa akin. I can handle myself kaya please naman, bumalik ka na," pakiusap niya. Sa kabila ng distansya sa pagitan namin, nakita ko ang pagbagsak ng mga luha niya sa lupa kasabay nang unti-unting pagpatak ng ulan.

I hate seeing her like that. I don't want to see her crying. Pinipiga ang puso ko.

Nilapitan ko siya. "Gala, hindi nga natin pwedeng ipilit ito. Bakit ba hindi mo 'to maintindihan?" malungkot kong sabi. Yumuko ako at pinunas ang mga luhang dumadaloy sa magkabila niyang pisngi.

Tiningala niya ako at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. "I don't need forever. I need you."

Umiling ako at sinubukan siyang patayuin subalit nagmatigas siya. "Gala, baka lumakas pa ang ulan."

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka pumapayag sa gusto ko. You know how stubborn I am," lumuluha niya pa ring sabi. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustration. "Marry me," she said with conviction.

"Gala, please don't do this. Ilang beses ko bang uulitin? I can not marry you. You don't deserve someone like me. Hindi ko kayang ibigay ang klase ng pagmamahal na deserve mo."

"Mahalin mo ako sa paraang gusto ko! I know that sounds selfish pero Chad naman... Ngayon na lang ulit ako sumaya bakit pinagkakait mo pa?"

"Hindi ko kaya ang gusto mo, Gala. Paano ko gagawin 'yan kung alam kong ikaw ang dehado sa huli?"

"Stop worrying about me. Pwede ba kahit minsan kalimutan muna natin ang nasa future?" Pumikit siya at dinama ang kamay kong nakadampi pa rin sa pisngi niya. "Mag-focus tayo sa ngayon. Please, Chad, huwag mong hayaang sirain ng future ang present natin.

"Isa pa, nangako tayo noon, 'di ba? I promised na magiging okay ako. Na hindi kita iiyakan. Gagawin ko iyon. Pero bakit ikaw wala kang isang salita? Ano'ng nangyari sa sinabi mo na dalawa tayo sa relasyon na 'to. Bakit mag-isa kang nagdedesisyon para sa atin?"

Napaluhod ako sa harapan niya. "Napakalaking gago ko kung susundin ko 'yang gusto mo, Gala." Hindi ko na napigilang mapaluha.

Ngumiti siya habang umiiyak pa rin. "Edi maging gago ka na lang," sabi niya pagkatapos, niyakap ako nang mahigpit. "Mamahalin pa rin kita."

Niyakap ko rin siya pabalik. Sobra kong na-miss ang yakap niya. "Masasaktan ka... Masasaktan ka lang."

"I know... And it's okay. I'll still love you with all my heart," she whispered.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon